03

44 10 0
                                    

ECHOED VOICE

***

So, that was it. That's how I thought my week happened.

"4-A, tayo na! Tapos na raw 'yong 3-F." Agad nagsitayuan ang mga kaklase ko nang malakas na sumigaw sa harap namin ang president namin. Magche-check kasi kami ngayon ng height and weight namin. Kinakabahan na naman ako, what if ang bigat ko na? 'Di pa nga ako tumangkad, pero bumibigat na.

Sana si Kreska 'yong ma-assign na mag-sulat ng height and weight namin, para naman kahit kaunti ay mawalan ang kahihiyan ko incase ang bigat ko na talaga.

Mataas ang pila pagdating namin sa clinic, madami rin kasi kaming estudyante sa 4-A. Hindi alphabetical ang pagche-check namin, kung sino lang ang gustong mauna at kung sino ang unang dumating.

"Kres, sino raw ang mag a-assist sa 'tin?" tanong ko sa kaibigan.

"Hm.. grade 12 daw, eh."

"Ah gano'n? P'wede ikaw na lang magsulat sa 'kin?" Agad tumingin sa 'kin si Kres at walang pag dadalawang-isip na tumango.

"Basta ikaw rin magsulat sa 'kin."

Nakangiti ko siyang tinanguan. Ayos na sana 'yon at kampante na ako kaso 'yong problema ko na naman ay ang lalaking nag-assist sa may weighting scale.

"J-Jian.." Mahina kong hinawakan ang sleeve ng polo ni Jian na kakagaling lang sa weighting scale. Taka niya naman akong tinanong kung bakit. "Siya ba 'yong--"

"Oo, siya 'yong lalaki last time sa senior high building, siya rin ang mag-aassist sa weight. Ta's 'yong grade 12 galing sa STEM-B naman sa height." Sa taas ng sinabi niya, isa lang ang nagdulot ng kaba sa 'kin. 'Yon ay dahil si Dominic ang magche-check ng weight ko!

"Oy, hi!" casual niya akong binati at hinintay na umapak sa weighting scale. "Relax lang, 'wag yumuko. O--kay!"

Madumi kaya 'yong paa ko? Mukhang 'di ako nakapag-cleaning ng kuko ko this week, baka may dumi! Sira-sira na 'yong pedicure ko, kung alam ko lang na siya ang assistant dito, e'di sana nagpalit na ako ng pedicure!

"47.4 kilos," aniya kay Kreska at agad namang sinulat nito sa 1/4 ko.

"Ang light, ah." Narinig kong bumulong siya sa sarili niya kaya napababa ang tingin ko sa kaniya, nang tumayo na siya ng matuwid ay nakatingin na siya sa 'kin at agad namuo ang ngiti nang magtama ang mga mata namin. "Next."

Umalis na agad ako sa harap niya nang lumapit na ang susunod na studyante. Sinamahan ako ni Kreska sa height at nauna siyang magpa-check bago ako.

"Ang light, ah."

Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya at ang mga katagang iyon hanggang sa bumalik na kami sa room. Kung sakaling hindi gano'n ang weight ko, ano kaya ang sasabihin niya? Sasabihin niya rin kaya na mabigat ako if singkwenta 'yong bigat ko?

"Hoy, saan ka na, nasa mars na ba?" Pasimple akong naglipat ng tingin sa kinakain kong yogurt nang marinig ang boses ni Aubrey. "Ang lutang, beh."

"Hayaan niyo, nag-ooverthink pa 'yan tungkol sa weight niya kanina," ani Kreska,

"Ay oo nga, tapos na kayo kanina, 'no? Ano, pogi raw 'yong taga-check sa weight sabi no'ng kaklase niyo na pinsan ng secretary namin--"

"Shudi, si Dominic.. gano'n na ba talaga siya ka-pogi?' pagputol ko sa sinasabi ni Naij,

"Si.. Dominic? Seryoso?" tanong ni Aubrey na ikinatango ni Kreska. "Gagi, may karibal ka na, Hazel Ruth!"

Kinurot ko agad si Aubrey nang tinawanan niya ako. Aba'y karibal agad, 'di ko naman gusto 'yang si Dominic. 'Tsaka bahala 'yang kung sino mang kaklase ko na may gusto sa kaniya. Wala akong pake.

Hindi naman ako nagseselos. Wala 'yon. Ang pinoproblema ko lang ang ay ang weight ko.

"Ang light, ah."

Naman, oh! Kahapon pa 'yon eh. Bakit ba ayaw mawala sa utak ko 'yong sinabi niya? Paulit-ulit! Nakakainis na!

Agad akong tumayo at lumabas ng room nang matapos ang third period namin sa hapon. Siguro kailangan ko lang kumain ng nuts para mawala 'yong boses ni Dominic sa tainga ko.

Hindi na ako nagpasama kay Kreska, gusto kasi no'n matulog kapag free time. Mag-isa akong bumaba ng building at dumiretso sa canteen para bumili ng meryenda.

"Oy, si Ruth." Akala ko walang estudyante rito, pero nandito pala si Chester.. at si Dominic!

"Ang light, ah."

Diretso akong naglakad para makalagpas sa kanila. Nakaupo sila ngayon sa isang mataas na upuan na nasa harap ng canteen. Bakit ba lagi na lang kaming nagkikita? Ang laki-laki ng campus, tapos magkakapareho talaga kami ng pupuntahan?

"Ruth--" Bigla akong napatuwid ng tayo nang may mabangga akong lalaki. "Problema mo, oy?" si Dale lang pala. Hindi ko na nakita na papunta siya sa 'kin dahil panay yuko ako.

"W-wala naman, sorry." Mahina kong kinalmot ang noo ko.

"Sigurado kang ayos ka lang talaga?" Paninigurado niya. Kaibigan ko na siya simula no'ng grade 9 pa lang kami. Kami nila Aubrey, Kreska, Naij, Jirus, Clarence, at si Dale. Nabuo ang grupo namin dahil nasa iisang section kami at iisang column no'ng first grading.

"Doon ka na, 'wag mo na akong samahan dito." Pagturo ko sa kaniya sa baba ng hagdan, nasa pagitan kami ng second floor at third floor. Classmate kasi si Dale, Naij, Aubrey, at Clarence at nasa 4-B sila, sa second floor.

"Ihahatid na kita, saglit lang--"

"Ang OA, Dale! Wala nga akong sakit, nandiyan lang room namin, oh! Sige na." Iniwan ko na siya sa hagdan at agad na umakyat. Kung susunod siya, bahala siya.

"Ang light, ah."

Nakakainis. Dagdag pa kanina, imbes na bumaba ako para makalimot, nakita ko tuloy siya! 'Tsaka nakita niya pa ang katangahan ko. Buti na lang at si Dale iyong nabangga ko, paano na lang kaya kung ibang tao iyon?

"Oh, bakit badtrip ka? Ako dapat ang badtrip ngayon kasi iniwan mo ako rito, hindi mo man lang ako tinanong kung nagugutom ako para naman mabilhan mo rin ako. Grabe, hindi ka man lang nagpaalam, Ruth."

Umupo ako sa upuan ko na nasa harap ng inuupuan ni Kreska, hindi pinansin ang sinasabi niya.

"Aba, hindi mo na ako pinapakinggan, ah. Grabe, ang sakit."

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayon. Kung inis ba, kilig, kaba, kahihiyan. Sa raming nangyayari parang gusto ko munang mag holiday bigla at para maalis ako sa campus na 'to ng isang buong araw.

"Mauna na ako, Kreska." Uwian ko na siya kinsausap para magpaalam lang. Kapag kasi sinagot ko 'yong mga katanungan at daldal niya kanina, mas lalo siyang iingay. 'Tsaka wala ako sa sariling katinuan no'n para intindihin ang lahat ng sinasabi niya.

"Ingat ka," aniya na hindi tumitingin sa 'kin.

Hindi ko na siya sinagot pa at dumiretso sa labas ng room. Diretso lang ako sa paglalakad na hindi nawawala ang tingin sa dinadaanan ko. Hindi dahil ayaw kong matapilok o madapa, kun'di dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Ruth."

Nasa hagdan na ako pababa sa first floor nang marinig kong may tumawag sa 'kin. Pero pagtingin ko sa itaas ay wala namang tao, kapagod din umakyat ulit para tignan kung may tumawag nga ba sa 'kin galing sa second floor. Baka.. guni-guni ko lang 'yon. Oo, nalulutang lang ako ngayon.

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang faculty ay may natanaw na akong lalaki na nakasandal sa handrail sa tapat ng pintuan ng faculty. Nakasuot ito ng senior high na polo habang nakatingin sa cellphone niya.

Hindi ko siya makilala dahil hindi ako nakasuot ng eyeglass ngayon, wala rin akong maisip na pangalan kung sino siya, baka hindi ko nga kilala 'yon. Tumingin ako saglit sa mga sapatos ko habang naglalakad at nang pag-angat ko ng tingin ay ro'n ko na nakilala ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan sa 'kin.

Dominic. Agad akong lumiko pababa sa hallway at diretso ang lakad papunta sa kiosk na malapit lang sa building na ito. Umupo ako sa loob at sinulyapan siya.

Gagi, nakatingin siya sa 'kin ngayon. At ang mas kinainit pa ng pisngi ko ay ngumiti siya bago kumaway sa 'kin!

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now