04

45 11 0
                                    

HE CAME

***

Friday came and I need to print the summarization of our lesson in Science this week. Kapagod kasi magsulat para sa reviewer ko. Mayro'n naman akong notes sa notebook ko pero kailangan ko pa rin ng summarized na notes exclusive for studying para sa exam. Kaya habang alala ko pa ang mga dapat talaga i-take note, gagawa na ako ng reviewer ko.

Nagpaalam ako kay mama na sa room na lang ako kumain ng lunch kasi may ipi-print pa ako at baka ma-late ako kung sasabay ako sa kaniya. Ang tagal kasi nila mag-lunch. Mabagal kasi 'yan si mama mag-discuss kaya lagi siyang natatagalan kapag uwian or lunch break.

"Hindi ka sasabay sa 'min ngayon kumain?" tanong ni Aubrey, naghihintay sila rito sa labas ng room namin kasi nauuna silang lumabas tuwing lunch.

"Rito ako kakain, wala raw kasing kumakain ng lunch dito sa room, hindi maingay."

Tumango lang silang dalawa ni Kreska sa sagot ko.

"Gusto niyo rito na lang din kayo?" tanong ko nang wala na silang sinagot.

"Nasanay na kasi kaming kumain do'n malapit sa D's cafe, eh." Pilit na ngumiti si Kreska at tumango naman si Aubrey. Hindi ko na sila pinilit na sumama sa 'kin ngayon, ang pangit naman pakinggan na sila pa ang mag-adjust para sa 'kin.

Kumain ako mag-isa sa room habang nanonood ng ghibli sa phone ko. I found eating alone is better than eating with my mother. Wala namang pinagkaibahan, kahit kasama ko siyang kumain ay ang tahimik pa rin naming dalawa na parang bawal kami pareho magsalita. Mas ayos pa 'tong mag-isa akong kumain, nagagawa ko ang gusto ko at hindi ako nagbabantay sa kilos ko para lang hindi mapagalitan ni mama.

Pagkatapos kong kumain ay bumaba na ako ng building at lumabas ng campus para bumili ng yogurt sa pinakamalapit na convenience store. Dumiretso na rin ako sa print shop na nasa tabi nito.

"Ate, may sinend po akong link sa page," sabi ko sa babaeng nakabantay. Naghintay ako ng ilang segundo habang inoopen niya ang link.

"Itong reviwer.pdf?" tanong niya na ikinatango ko. May inayos pa siya sa pdf ko bago niya linagyan ng A4-sized bond paper ang printer. "Wait lang, ah?"Tinanguan ko ulit siya at tumingin sa labas ng shop.

Halos mabitawan ko na ang dala kong wallet at yogurt nang makita na papasok si Dominic sa shop. Walang pagdadalawang-isip ay agad akong tumalikod at kunwaring may tinitingnan sa mga display nilang journal notebook sa shelf.

"Karen, may sinend akong dalawang file sa messenger." Ang mababang boses ni Dominic.

"Sige, mamaya ka na may costumer ako." Napalingon ako sa babae nang marinig ang sinabi niya. Costumer? What about Dominic?

Napatawa naman si Dominic. "Sige, sa iba na lang ako magpapa-print."

Sinenyasan naman siya ng babae na si Karen kuno na umalis na habang nakatitig pa rin sa screen ng computer.

"Ang sama. Wallet size lahat nang 'yon, sa bahay ko na lang kukunin." Umalis na agad si Dominic na hindi man lang nalingon ang p'westo ko, buti na lang.

But I'm curious, what's his relationship with this girl?

"Next Friday, half day tayo kasi may PTA meeting, sa mall kaya tayo mag-lunch.. tapos doon na rin tayo hanggang hapon." Pinasadahan kami ng tingin ni Aubrey.

"Great idea! Ano, arcade?" tanong naman ni Dale 'tsaka tumingin sa 'kin.

"P'wede," sang-ayon ni Naij at agad tumingin sa 'kin. "Ikaw, Ruth, what do you think?"

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now