16

28 8 0
                                    

FIFTEEN, EIGHTEEN

***

Para akong nakalutang buong oras dito. Kahit na anong daldal ni kuya Art at ng iba nilang kaibigan sa 'min ay parang naspi-space out pa rin talaga ako. Lalo na kapag kinakausap ako ni ate Millie. She's indeed beautiful, sobrang flawless ng skin niya.

"Try mo, kahit maliit lang." Napaigtad ako ng biglang umupo sa armrest si Dominic at may inabot sa 'kin na cupcake. "Okay, I'll slice it into two. Hati tayo."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at muling tinignan ang hinahawakan niyang cupcake. Binigay niya sa 'kin ang maliit na piraso nito at kinain naman ang natira. Napalunok ako bago ito tinanggap at nag-dadalawang isip na kagatin.

"Masarap 'yan, ako nag-bake niyan!" Nabaling ang tingin ko kay ate Karen na nakaupo sa tapat na sofa, katabi niya si ate Millie na nakatingin din sa 'kin. "Sige na, rate mo."

Napangiti naman ako bago ito kinain.

"Ang liit mo naman makabigay, Dominic," ani Chester, pero agad naman siyang tumahimik nang tinignan siya ni Dominic. Or should I call him kuya? He's 3 years older than me now.

"Masarap!" Masaya kong tinignan si ate Karen, she proudly flipped her hair and looked at Dominic.

"Sabi ko sa 'yo, masarap eh."

The party went well, but even though how much Dominic tried to talk to me, parang hindi pa rin nawala ang strange feeling ko inside. Lalo na kapag nasasali silang dalawa ni ate Millie sa isang usapan. Parang ang ayos nilang dalawa, parang ngang hindi na ikakagulat kung magbalikan sila, eh.

The way ate Millie greeted him kanina, they looked like they were still dating. Bagay sila both appearance and behavior.

"Hi, Ruth." Kami na lang dalawa ni ate Millie sa sala kaya lumipat siya sa tabi ko. Nag-iingay na kasi 'yong iba sa kusina, 'yong mga lalaki naman ay nasa garahe at nagpapagandahan ng mga motor nila. Sila Aubrey at Kreska naman ay nauna na.

"I heard you have a deep relationship with Dominic." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. "Are you two friends or more than that?"

"Ah.. hindi po, parang siblings lang po ang relationship namin." How can I lie when the truth is I like him?

"Hmm.." Napatango-tango siya at tumingin sa malayo. "So, parang may possibility pa 'yong tinatry naming dalawa."

"Po?" I can't stop myself being curious.

"Look, I know it sounds so.. desperate kasi nga we're more than three months ex-lovers. But we are still working on to fix the strings between us. Do you think, maaayos pa?"

My heart shattered when I heard what she just said. Working on fixing it? She and Dominic were fixing their past secretly. Tapos bakit parang ang greenflag niya sa 'kin? Parang kagabi lang sabi niya miss niya ako. I regret sending him a risky joke last night.

My feelings get worse when ate Millie talked to me. Bakit kailangan niya 'yong itanong sa 'kin? Kung sinabi ko bang medyo may mutual understanding kami ni Dominic kahit hindi totoo, hindi niya ba 'yon itatanong sa 'kin if maaayos pa sila?

All those butterflies I felt every time he's with me, is it all those for nothing? Ang sakit naman. Tama, they were 2 to 3 years older than me but is it wrong for me to feel this?

Kay kuya Chester na lang ako nagpaalam na uuna na lang ako sa pag-uwi kasi kausap na ulit ni ate Millie si Dominic sa may kusina.

"Ha? Ihahatid ka raw ni Dominic-"

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now