06

43 9 0
                                    

YOUR DISEASE CAN'T STOP YOU BLOOMING

***

I was really shocked and amused when he mentioned my first name. Ang alam ko lang ay, alam niya na Ruth ang pangalan ko kasi 'yon ang tinatawag nila kuya Art sa 'kin. Pero saan niya kaya narinig ang first name ko? Malayo naman siya no'ng tinatawag akong Hazel Ruth nila Clara no'ng may filming kami.

"Dominic, pasa!"

I just found my self watching their training every afternoon. Bumalik na ang usual schedules ni papa sa office nila kaya hindi na niya kami nasusundo. Si mama naman ay umaabot na ng 6pm ang out kaya nagpapasundo na lang siya ni kuya.

"Saan kaya si Ruth kahapon?" pagpaparinig ni Aubrey sa 'kin habang kumakain kami ng lunch.

"As I heard, nanood daw siya ng soccer." Ngumuso naman si Kreska na ikinatawa ng mahina ni Naij.

"Nanood ng soccer, pero 'di man lang nakapanood sa practice game namin." Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain nang magsalita si Dale. May pagkainis sa tono niya na bigla na lang ikinakaba ko.

"Nadaan lang ako, hindi naman ako nagtagal--"

"P'wede namang sa covered court ka nadaan, hindi sa field."

Natahimik ang tatlo, pati na rin si Jairus at Clarence. Nag-iwas na lang ako ng tingin kay Dale at mas pinagtuonan ang pagkain ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang lakas niya makasabi na ayos na kami at hindi na siya mamimilit pero ngayon.. iba na naman ang behaviour niya.

"Sabi mo tuturuan mo ako." Napamewang ako at pabirong hinarap si Dominic na mahinang pinapatid ang bola.

"You have your shoes?" Taas-kilay siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. Agad namang lumapad ang ngiti ko.

"Samahan mo 'ko, bibili ako."

Without hesitation, he went to sport shop to help me find the spike that fits to me. Gusto ko ang kulay yellow kaya medyo natagalan kami sa kakahanap ng magandang design na kulay yellow.

"Pareho lang naman ang dalawa." Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang pair ng spike na hawak ko. "But this, hmm.. much better."

After we bought a spike, we went to Dunkin Donuts, bumili kami ng munchkin at chocolate-flavored doughnut pero hindi ako kumain kasi bawal ito sa 'kin. Instead, bumili na lang ako ng nuts na favorite ko at sabay kaming kumain ni Dominic.

"Ayaw mo ba sa doughnut?" Binaling ko siya nang magtanong siya sa 'kin.

"Gusto.. gustong-gusto." Umapak ako sa step ng escalator at sumunod naman siya.

"Bakit nuts ang kinain mo?" sunod niya tanong habang naghihintay kaming umabot sa first floor ang step na kinatatayuan namin.

"Nagka-diabetes ako dahil sa sobrang hilig ko sa matatamis. Pero sabi ng Doctor ko, malapit naman na raw akong maka-recover, basta susunod lang ako sa mga bilin niya."

He didn't say anything after he heard my answer, we were just surrounded with silence until we stepped on the tiles of the other floor.

"Kaya nga medyo dry ang skin ko, eh." I laughed awkwardly and glanced at my arms.

"You don't have to feel insecure, Hazel Ruth. Kahit naman diabetic ka, lumalabas pa rin ang kagandahan mo. Your disease can't stop you blooming."

My heart pounded so hard when I heard his words. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. All I can say about this feeling is.. happiness.

"Nambobola ka naman," pagkunwari kong hindi naapektuhan sa sinabi niya.

But instead of laugh, he didn't reacted to what I said. Nang tignan ko ang mukha niya ay seryoso lang ito habang nakatingin sa 'kin. And that made my heart beats more fast.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now