22

26 9 0
                                    

LET'S PUT AN END

***

Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Dominic sa labas ng Hospital. Nakasandal ito sa may entrance at ang lalim yata ng iniisip.

"Dominic."

His head slowly rose up and his gazed turned straight unto me. Pait siyang napangiti at agad akong yinakap. Sinubsob niya ang mukha niya sa may tiyan ko at ramdam ko ang mahina niyang hagulgol.

Wala akong ibang ginawa kun'di yakapin din siya at hagurin ang likod niya. He cried and cried until he runs out of tears. Humiwalay siya sa pagyakap sa 'kin at pinalis ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata niya.

"Hirap kalabanin ng papa mo, 'no? Ang liit lang ng away tapos ganito na ang nangyari."

Napalibutan kami ng tahimik at ilang minuto bago niya ako dinala sa emergency ward kung nasaan si tito Hector. Nakahiga lang ito sa hospital bed niya habang may bandage sa may tiyan at balikat. Hindi ako makapaniwala na ganito ang nagawa ni papa.

Paulit-ulit akong naghingi ng patawad sa kaniya. Handa kong tanggapin ang kung anong sasabihin niya sa 'kin. Pero imbes na magalit siya ay napatawa lang siya ng mahina.

"Wala pa ring pagbabago si Francis, basagulero pa rin kahit kailan." Napailing siya at sumulyap kay Dominic.

"Po? Magkakilala po ba kayo?" Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang marinig ang tanong ko.

"Siyempre, hija. Pareho kaming lumaki sa lugar na 'to. Magkaklase nga kami simula grade 1 hanggang grade 6, eh. Ang liit lang kaya ng lugar natin."

Napa-awang ang mga labi ko sa sinasabi niya.

"Dati kaming magkaibigan, nasira lang dahil sa maliit na away at pinalaki niya. Kagaya ngayon." Pinagpatuloy niya pa rin ang k'wento niya. "Mukhang siya pa rin 'yong isip batang Francis na kilala ko." Muli siyang napasinghap at mahinang tumawa.

"Pa, 'wag kang malikot. Baka magbleeding 'yong sa dextrose mo." Hinawakan ni Dominic ang braso ng papa niya at nag-aalala itong tinignan.

"Hindi po ba kayo galit sa 'kin at sa pamilya namin?" tanong ko rito dahilan para tumingin siya ng diretso sa 'kin.

"Galit ako, Ruth. Galit ako kay Francis, pero siya lang naman ang may ginawang mali at nagbigay ng takot sa pamilya ko. Hindi ko dadamayin ang mga anak niya kagaya ng ginawa niya kanina sa bahay namin. Away namin 'to at kami lang dapat ang maghaharap."

There, I realized that I grew up in the opposite lifestyle Dominic has. We had different parents and atmosphere. We had a different childhood. I'm the worst while he has the best family and home.

"Pero kailangan mo nang umalis ngayon, hija. Babalik na ngayon si Ava at baka masumbatan ka no'n. Dominic, 'wag mo na siyang patagalin dito."

I realized so many things that I didn't even realize that I'm in front of our house. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko hanggang sa nakapasok ako sa bahay. Kumakain na ng umagahan ang mga kapatid ko sa dining nang maabutan ko sila.

Kuya Yno looked so bothered while Ynez was clueless. It's better that she knows nothing. Umupo ako sa tabi ni Ynez kung saan naka-handa ang isang plato para sa 'kin. Kami lang tatlo ang nandito habang si ate Lydia naman ay nasa kusina.

"Buti nakauwi ka pa." Mahina lang ang boses ni kuya pero narinig ko ito. Hindi ko na lang siya sinagot at pinilit ang sariling kumain kahit nakakawalang gana ang mga nangyari kagabi.

"Saan ka po galing, ate? Nahanap mo po ba si mama at papa?"

I can't move my hands. I wanted to say something but no word came out of my mouth.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now