10

37 9 0
                                    

GOOD DAUGHTER

***

"Sino 'yon, Ruth?"

Is he mad?

"Ruth?" Napaigtad ako nang bahagyang humarap sa 'kin si Dale. Dahilan para mahatak ang kamay ko.

"Uh-- kakilala lang... bakit?"

"Wala naman." Kumalma ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. Nakakailang. "Ayos ka lang ba?"

"Nahihilo lang." Pilit ko siyang nginitian. "Tara, ikot na ulit tayo para matapos na 'to. Gusto ko na kasing bumalik sa room."

"Hindi.. kung gusto mo umupo muna tayo ro'n--"

"'Wag na, Dale. Gusto ko nang bumalik sa room." Ayaw ko nang patagalin 'to. 'Tsaka gusto kong puntahan si Dominic. All I want right now is him.

"Sige... balik na tayo." Tumango siya na parang napipilitan bago muling maglakad. Nakatuon lang ang tingin ko sa baba habang mabilis na naglalakad. Dinig na dinig ko ang bawat tibok ng puso ko. At isa lang ang alam kong dahilan nito.

"Dominic!" Agad akong nag-angat ng tingin sa isang grupo na dinaanan namin. Nandoon nga si Dominic, nakakatayo sa gilid. Pero hindi siya nakikinig sa sinasabi ng kasama niya at sa 'kin lang siya nakatingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan at nasasaktan sa titig niya.

"Dom, nakikinig ka ba? Nanalo lang kayo, lutang ka na--" Hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi ng kasama niya nang tuluyan na kaming malayo ni Dale.

Huli kong nakita ay ang paglipat ng mga mata niya galing sa 'kin papunta sa kasama niya. Hindi ko na nakita pa kung tumingin ulit sa 'kin. I felt so embarassed today! Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa o tumago sa isang kuweba!

Matagal pa bago kami dumating sa kung saan kami nagsimula sa love-chain na 'to. Roon na ako nakahinga ng malalim nang matanggalan na kami ng posas. Masasapak ko talaga kung sino ang nagpalista ng names namin!

"Saan ka--?"

"CR." Hindi ko na pinatapos si Dale sa tanong niya at agad umalis. Gusto kong puntahan si Dominic pero wala na siya roon pagdating ko. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko! Nakakainis ang araw na 'to. Nakakainis na love-chain!

"Ruth!" Bumaling ako sa kinaroroonan ng boses na tumawag sa 'kin.

"Kuya Art--" Tatanungin ko na sana siya kung saan p'wedeng pupunta si Dominic ngayon, pero baka kasi maasar pa nila ako. "Si Naij po at sila Aubrey, nakita niyo po ba?"

"Ah.." Agad namang nawala ang kunot sa noo niya at tumango. "'Di ba sumali sa badminton si Aubrey? Hindi mo ba siya nakita roon?" Turo niya sa court ng badminton.

Bigla akong nahiya nang makita nga ang kaibigan na nakatayo sa gilid ng net. Halos masampal ko na ang sarili ko dahil do'n!

"'Tsaka si Naij 'di ba nasa basketball court?"

"S-Sige po, kuya. Salamat--"

"Kung si Dominic ang hanap mo.. sa old soccerfield ang tambayan niya tuwing intrams." Ngumiti siya ng nakaka-asar 'tsaka umalis.

Napakagat ako sa ibabang labi bago naglakad papunta sa library building kung nasaan ang old soccer field na nasa likod lang nito. Wala na akong pake kung mahalata niya, si Dominic naman talaga ang pakay ko.

I was expecting to see Dominic, but disappointment slapped me when I didn't see him on the old soccer field. Matataas na ang grass dito kaya hindi na ako tumuloy. Pagod akong umupo sa simentong hagdan at tinignan ang cellphone ko. It's still 10 AM. I tried to wait for him here for some minutes. After a while, I stood up and went back to our classroom.

Summertime RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon