05

42 10 0
                                    

HAZEL RUTH

***

"They left me," I said with a childish tone.

"Sino?" Umupo siya sa kabilang parte ng upuan na hindi masyadong malayo sa kinauupuan ko.

"My friends," tanging sagot ko at yumuko.

"Oh, bakit naman?"

I sighed heavily.

"Naiwan ako kanina kasi ang bilis nilang maglakad, tapos ngayon.. nawala na sila sa paningin ko," I lied. Kasi ang totoo, nagpaiwan talaga ako. Hindi ko lang naman inexpect na mawawala ako.

"Ikaw? Sino kasama mo?" tanong ko nang hindi siya nagsalita.

"Ako lang, I ran for some errands." Tinaas niya ang paper bag na dala niya. "Uh.. nachat mo na ba sila?"

Umiling ako. "Parang ayaw ko muna silang mahanap." Ayaw ko munang malapit kay Dale.

"So, gusto mo muna manatili rito?" tanong niya ulit sa kalmadong boses. Para siyang si kuya noon, no'ng ayos pa kami.

Para akong bata na tumango sa kaniya. May ngiting nakaplastar sa labi.

"Busy ka ba? Baka p'wede mo akong samahan muna?" tanong ko sa kaniya, tumingin naman siya sa ibang direksyon na para bang may iniisip.

"Wala naman.. wala namang deadline na binigay si tita nito." Tumingin siya sa dala niya. "Wanna go somewhere else?" Nakangiti niya akong tinignan.

Magalak akong tumingin sa lockscreen ko para tignan ang oras. May isang oras pa naman ako bago ang curfew na binigay ni papa. Nasa lockscreen din ang message ni Aubrey sa gc namin.

"Nasa second floor kami, papunta kami sa mini park."

Tamang-tama.

"Tara!" Tumayo ako at hinatak si Dominic papunta sa escalator.

"Saan mo gusto?" tanong niya,

"Sa rooftop, maganda roon kapag gabi."

Nasa likod ko lang siya habang naghihintay kami na dumating sa susunod na floor. Pagdating namin doon ay umuna na siya sa paglalakad papunta sa kabilang escalator papunta sa susunod na floor kung nasaan ang papunta sa rooftop.

Pagdating namin doon ay hindi ko maiwasang mapatakbo palabas at agad tumungo sa dulo ng rooftop.

"Ang ganda ng lights." Nakangiti kong tinignan ang kagandahan ng city lights. Sulit ang gala ko rito ngayon. Kung ikukumpara sa ganda ng night view sa lugar namin, mas maganda talaga rito, sobrang ganda.

"Minsan ka lang dito, 'no?" Hindi ko naramdaman na nasa tabi ko na pala si Dominic.

"Only if my family remember to." I smiled at him before turning my gaze to the view. "Ikaw.. mukhang lagi ka yata rito, parang wala lang sa 'yo, eh."

"Madalas ako rito, after our training dumideretso na ako rito. Minsan para makatakas sa sunod-sunod na utos ni tita at minsan naman ay dahil sa utos niya na mga bilihin."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Taka ko siyang tinignan at agad niya naman itong napansin.

"Doon ka sa tita mo nakatira?"

"Ah.. hindi, asawa siya ng papa ko, kaya tita tawag ko sa kaniya." Pilit man pero ngumiti siya sa 'kin bago tumingala sa langit. "Ang ganda ng langit ngayon, mabituin."

Kahit puno ng katanungan ang isip ko ay tumingin pa rin ako sa langit at namangha sa ganda nito. Hindi maulap at kitang-kita ang mga bituin, maliit o malaki ay malinaw sa paningin ko dahil sa tulong ng eyeglass ko.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now