27

24 8 0
                                    

CLEAR IT UP!

***

"May kailangan ka bang tapusin ngayon?" he asked in the middle of silence. I shook my head as an answer. "So, let's go."

"S-Saan?" Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang tumayo siya at kinuha ang cup noodle.

"Stargazing," tanging sagot niya at kinuha ang susi galing sa bulsa niya. My heart skipped a beat when I saw the keychain, he was still keeping it. "Uh-- I'm using my sniper, doon ka kasi sanay."

I can't hide the smile on my face. He knows me well. He was still the man who knew every little detail about me.

I don't know where he'll bring me, ang alam ko lang ay sigurado akong mapapasaya niya ako. I trust him. Pinarada niya ang motor niya sa kalsada kung saan diretso na sa baybayin. He took the helmet from me and put it inside the U-box.

He guided me while walking down the three-step stairs. Unang hakbang sa buhangin, bumalik agad 'yong saya na naramdaman ko no'ng una niya akong dinala rito.

"Hindi ako nakadala ng mahihigaan. Dry naman 'yong buhangin, ayos lang ba?" Umupo siya sa buhangin nang nasa gitna na kami. He took off his polo jacket and laid it out on the sand. "Upo ka."

Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Ayaw ko munang magsalita ng kung ano-ano at pakiramdaman ang simoy ng hangin. Humiga ako sa polo jacket niya nang makaramdam ng antok. There, I see the beautiful sky.

"Ang ganda." Nakangiti lang ako habang nakatitig sa langit.

"So, as you." There he is again, fooling me with his words of affirmation. Ito 'yong isa sa dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya, eh.

Ilang minuto ang lumipas ay unti-unti nang pumikit ang mga mata ko. It's too early to take a nap, but my body wants to rest tonight... in his arms, or even just beside him.

Hindi ko alam kung gaano kataas ang tulog ko. I just woke up facing in his direction and saw him staring at me. Nanginit ang mga pisngi ko dahilan para humarap ako sa langit at makaiwas sa tingin niya. Nang hindi kumalma ang tibok ng puso ko ay humarap ako sa kabilang direksyon para talikuran siya.

"Sakit mo naman," natatawa niyang bulong,

Naramdaman kong bumangon siya sa pagkahiga kaya sinulyapan ko siya saglit. He was so handsome even though I can't see his full face. Tumayo siya at pinanood ang alon.

"This reminds me of sweet memories. Memories that could bring up both joy and pain." Lumingon siya sa 'kin at pinanood ako na dahan-dahang bumangon. "Here." He laid his hand to offer me a help.

"Kaya ko." Hindi ko pinansin ang kamay niya at tumayo mag-isa.

"You've changed a lot." Humarap na lang ulit siya sa mga alon at napamewang.

"Ano pinagbago ko? Maganda pa rin naman ako, ah." Sinabayan ko 'yon ng tawa.

"Hm." Pagtango niya. "Mas gumanda ka." Takte, pinapakilig niya na ulit ako!

"At mas naging harsh," pahabol niya pa,

Marahan akong umirap sa hangin at tumayo sa tabi niya. This feels like a dream. It's so long since I wished to find him and now, we're here at the old place where we were dating three years ago.

I know to myself that Dominic is not sure about me. But spending a short time with him alone is enough to give me the happiness I've been longing for.

Hindi ko na lang iniisip 'yong tungkol kay Fia, nawawala lang 'yong saya at gana kong mabuhay. Kagaya ngayon, naiisip ko na naman siya.

Summertime RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon