Special Chapter: A Grandmother's Love

27 7 0
                                    

DOMINIC

"Lola!" Dali-dali kong linagay ang bag ko sa veranda ng bahay ni lola at dumiretso sa itaas para ipakita sa kaniya ang test paper ko.

"Ano ang good news?" Ngiti niya agad ang sumalubong sa 'kin. "Aba, mukhang malaki ang score ng Doming ko!"

Agad niya akong yinakap pagkatapos kong magmano at tinignan ang test paper ko.

'Yon ang gawain ko sa tuwing umuuwi ako galing sa school. Simula nang hindi na umuuwi si mama sa amin ay si lola ang nagsilbing ina ko.

"Dahil laging mataas ang marka mo, papasyal tayo sa Linggo."

"Talaga po?" Abot tainga ang ngiti ko.

"Oo, pero sa ngayon. Tulungan mo muna ako sa mga pinamili natin." Inabot niya sa 'kin ang iilang plastic bag.

"Ay opo! Ako na nitong lahat. Para sa lola ko." Kahit limang plastic bag na ang dala ko, ayos lang. Basta makikita ko lang ang ngiti sa mukha niya.

"Bait talaga ng apo ko." Pinulupot niya ang braso niya sa braso ko at saglit na sumandal sa may balikat ko. "Ano, kumusta naman sa paaralan?"

"Po? Ayos lang, kakausap lang natin tungkol diyan, 'diba, la?" Bahagya akong napatawa.

"Hindi." Hinampas niya ng mahina ang balikat ko. "Kumusta roon, mga kaibigan mo, gano'n. May crush ka na ba?"

"Lola naman, eh! Freshman pa lang ako. Sasabitan mo pa ako ng medals sa stage, bago ako magkaka-crush."

"Sus! Wala ka talagang crush? Inspiration lang!" Iba rin 'to si lola, eh.

"Distraction po, hindi inspiration," pagbiro ko na ikinasimangot niya. "'Di bale, po. Hindi ko naman 'yon itatago sa inyo kung mayro'n man."

---

"Lola, ano po ibig sabihin no'ng kinakabahan ka kapag nakikita mo ang isang tao." Umupo ako sa sahig, katabi sa rocking chair ni lola. "Like, specific person po sa tuwing nakikita ko siya. Bigla akong pinagpapawisan at kinakabahan--"

"Tumpak! May crush na ang Doming ko!" Napaigtad ako nang bigla akong kinurot ni lola sa tagiliran.

"Ey, si lola naman, eh! Hindi naman siguro." Pagkamot ko sa batok ko.

"Weh? Bakit ba, nag-away ba kayo niyan para kabahan ka? Lalaki ba para sabihin mong hindi mo crush?" Mapang-asar niya akong tinignan.

"Eh, siya po 'yong sinasabi ko sa 'yo na rival ko sa English at Math. Si Millie po." I couldn't hide the smile on my face when I mentioned her name. I don't know why I'm feeling this strange feelings.

"Nakikita ko sa mata mo, apo. Gusto mo 'yong tao. Ayos lang 'yan, hindi kita pagbabawalan. Fourth Year ka naman na."

That was the first time I've ever felt love. And my grandmother was the one who made me realize that I love her. Millie.

---

"La.." Nanghihina kong linagay ang bag ko sa veranda ng bahay ni lola at napaupo sa harap ng pinto.

"Dominic?" Doon na sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko nang marinig ang kalmadong boses ni lola at mga yapak niya papalapit sa 'kin. "Bakit, apo? Anong nangyari?"

"Lola si Mill." Napahilamos ako at tinago ang mukha ko sa dalawa kong palad. "Lola.."

"Tahan na, nandito lang ako lagi." I felt her embracing me which gave me comfort. "Kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa, nandito lang ako."

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now