17

24 9 0
                                    

"I TRIED TO STOP, BUT I COULDN'T HELP IT"

***

Para akong nawalan ng tinik pagkatapos naming mag-usap ni mama. It is normal for me to share my chikas to her, pero iba ngayon, ibang-iba.

In our way to school, she asked me the name of the guy I told her about. I was really afraid to tell him that it was Dominic, sigurado akong kilala niya iyon kasi kaibigan niya ang coach ng football team. And Dominic is an academic achiever student kaya sigurado akong pamilyar si mama sa kaniya.

"Oh, Ms. Madrid's nephew? I know him, wala yata 'yang bad record." Natatawa pa si mama sa huli niyang sinabi.

I couldn't explain how happy I am right now that I already told my mother about it. Ngayon, parang ayos lang talaga sa kaniya, ang sarap sa pakiramdam na maging open sa mama.

I was half happy and sad today, nakita ko man si Dominic pero mukhang nalalapit na sila ni ate Millie. Nakakainis, I thought they ended up but why are they still talking to each other like nothing happened?

"Bakit malungkot si Ruth?" Nabaling ang tingin ko kay Dale, kagaya ng lagi niyang ginagawa ay umupo siya sa tabi ko at naglapag ng nuts sa 'mesa. "Here, mukhang wala kang ganang kumain but atleast accept my offer."

"Thank you." Kinuha ko naman ito at dahan-dahang binuksan ang plastic.

"Sina Aubrey, nasaan?"

"Si Aubrey at Naij may tinatapos pa, si Kreska pinatawag sa office, I don't know why." Tumango lang si Dale at muling nag-isip ng sasabihin.

"Uhh.. puno ka na ba sa mga school works? I could help."

"Hindi naman sa gano'n, Dale. Kulang lang ako sa tulog." Nginitian ko siya.

"Matagal ba kayong natapos sa party kayla Dominic?"

Namilog ang mga mata ko at bumaling sa kaniya. He asked me so many things that annoys me, kaya iniwan ko na lang muna siya roon at nagpaalam na may tatapusin lang ako na performance task.

Natapos ang weekdays ko sa gano'n, nagkakasalubong kami ni Dominic pero hindi kami nagkakausap ng maayos. Minsan kapag nakikita ko siya sa harap ng faculty, sa ibang lugar na lang ako naghihintay ni mama.

I should've talk to him but my body has its own life that will walk away from him. And I end up avoiding him the whole week.

"Bakit mo ba naisipang mag overnight tayo?" Napakamot si Naij habang nakahawak ng isang bowl ng french-fries.

"Kasi nga, ang boring. 'Tsaka, group study naman ito, eh. Hindi basta-basta na overnight." Pinalabas ko ang mga notebook ko at linapag sa coffee table.

"Nako, dinadamay mo na naman kami, Ruth. Ikaw lang naman batak mag-study sa 'tin, eh."

"Tama. Ang totoo, may chika ka sa 'min, 'no?"

"Wala, gusto ko lang kayo makasama." Hindi ko na pinansin ang mga pang-aasar nila. At hindi ko na talaga sila lalo napansin nang may na-receive akong chat galing kay Dominic sa Instagram. I felt this strange happiness when I saw his message.

_dominichiato: hey, how are you?

I bit my lower lip as I started to type my reply.

ruth_soriano: I'm fine, napatanong ka?

_dominichiato: mukha kasing iiniwasan mo ako. I just want to know how's your day.

Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan na pupunta muna ako sa k'warto saglit at doon na umikot-ikot sa kama ko. Kahit paano niya ako napaselos at nasaktan sa kanila ni ate Millie, simpleng pangumusta niya ay kinikilig na naman ako.

Summertime RegretsWhere stories live. Discover now