PROLOGUE

5K 100 8
                                    

ZAC

Kinagat niya ang ibabang labi ni Elisse. Napa-ungol ito sa kanyang ginawa. Hinila niya ang buhok nito upang mas magtama ang mga labi nila. He can't help but be satisfied whenever she moans in pleasure.

"Zac," sabi nito sa kalagitnaan ng kanyang paghalik.

Nandito sila sa loob ng bar na pagmamay-ari niya. Maingay ang tugtugan at hiyawan ng mga taong nagsasayaw. They're in a freaking public place but that didn't stop them from making out. Hindi naman na bago sa kanya ang ganito.

Mas pinalalim niya pa ang halik. Nagmulat siya ng mga mata upang makita kung gaano na kalasing si Elisse sa kanya. Well, he can't blame her; he's really a good kisser. Maraming babae na pawang modelo at magagandang artista ang makakapagpatunay no'n.

Bumitiw siya nang kinailangan na nitong huminga. Mahigpit ang yakap nito sa kanyang bewang. Pinagmasdan niya kung paano ito hingalin sa kanyang ginawa. Ang kanina'y mapupulang mga labi ni Elisse ay mas mapupula pa ngayon.

"Wow," naka-ngiti nitong sinabi. "You're really hot."

Ngumisi siya saka hinawakan muli ito sa batok. "You're hot too," aniya saka ito muling siniil ng nakakalambot ng tuhod na halik.

Patuloy sila sa ginagawa. 'Di alintana ang mga taong nakatingin na sa kanilang direksiyon. Ang mukha ng ilang babae na naroon ay halatang naiinggit. Maybe they want a toe-curling kiss from the famous Chef Zackery Jalbuena too.

Naputol lamang ang kanilang halikan nang may biglang humila sa kanyang balikat. Lilingunin pa lang sana niya kung sino ang hayop na 'yon nang tumama ang matigas na kamao nito sa kanyang panga.

Nagsinghapan ang lahat ng tao sa paligid. Ilan ding ang nagtititili upang tumawag ng bouncer na maaaring umawat.

Hinaplos niya ang gilid ng kanyang labi. Napamura siya nang makakita ng dugo sa kanyang daliri. Nilingon niya ang may gawa no'n.

"Walanghiya ka Jalbuena!" sigaw ng lalaking hindi niya naman kilala.

Susugod pa sana ito sa kanya ngunit sa pagkakataong ito ay naging maagap na siya. Agad siyang tumayo at umilag sa sapak nito. He's a mixed martial artist kaya alam niyang ipagtanggol ang sarili.

"Gago ka! Pati syota ng may syota pinapatos mo'ng hayop ka!" sigaw pa nito bago muling sumugod.

Nag-duck siya saka mabilis na pinatamaan ito ng sapak sa tiyan na siyang dahilan kung bakit ito humandusay sa sahig at namilipit. Napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit sa kanyang panga. Gago 'to a.

"I don't know what you're talking about!" singhal niya rito.

Hinanap ng mga mata niya si Elisse. Tahimik ito at tila tinakasan ng kulay ang mukha habang nakatingin sa lalaking nasa sahig at bumabangon pa. Naalis ang pansin niya rito nang balakin muli ng lalaking sumugod sa kanya.

Natamaan siya nito sa braso ngunit daplis lamang iyon. Sinapak niya ito sa mukha at binigyan ng matinding sipa sa dibdib. Napasinghap na naman ang lahat nang tumalsik ito sa isa sa mga tables sa paligid.

"Zac, stop it!" sigaw ni Elisse. "He's my...He's my..."

Marahas na nilingon niya ang babae. "He's your f'cking boyfriend!" hinuha niya ngunit alam niyang tama. "'Lang hiya naman ipapahamak mo pa ako, e!" sigaw niya rito.

"Sorry, sorry. Ikaw ang mahal ko, Zac. Ikaw ang gusto ko," mabilis itong kumapit sa kanyang braso. "Please, Zac, take me. Ibibigay ko sa'yo ang lahat ng gusto mo."

Pinalis niya ang kamay nito sa kanyang braso na tila nangdidiri dito. Wala siyang balak na seryosohin ang babaeng ito. Hanggang date at fling lang siya. Mas lalo pang ayaw niya na dito dahil may sabit pala ito.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin