CHAPTER 1

2.9K 83 3
                                    

ZAC

"I-Ikaw talaga ang may-ari nito?"

Seryoso niyang tinignan ang babaeng ito na parang walang muwang sa mundo at ngayon lang naka-kita ng sosyal na restaurant. Ibinato niya kay Mang Julio ang susi ng kanyang kotse. Hindi niya na sinabi pa dito ang gagawin dahil alam na nito.

"Let's get inside," sabi niya saka ito nilagpasan.

Alas-diyes na ng gabi ngunit marami pang tao sa loob. Puntahan ang kanyang restaurant ng mga couple na nais ng romantic dinner date dahil hanggang alas-dose sila bukas. Tahimik pa dito kahit na nasa gitna ng syudad.

Dumiretso siya sa loob ng kanyang private office. Umupo siya sa swivel chair ngunit agad na napahinto nang makitang hindi pala nakasunod sa kanya ang babaeng muntik na niyang masagasaan.

What was her name again? Nabungangaan at nasampal na siya nito pero hindi man lang nila alam ang pangalan ng isa't-isa.

Sinabunutan niya ang buhok dahil sa frustration sa isang iyon. Ito na nga ang humiling ng trabaho sa kanya kapalit ng hindi nito pagsasampa ng demanda pagkatapos ay ang sumunod lamang sa napakadali niyang utos ay hindi pa nito magawa?

Pabagsak siyang tumayo at lumabas ng kanyang private office. Pagbaba niya ay nakita niya si Archie at Emman na nakaharang dito. Kinakausap ng dalawa niyang mokong na kaibigan na pawang business partner niya ang babaeng iyon.

"M-Mag-aapply sana po ako ng trabaho dito," nahihiyang sabi no'ng babae. Marunong pala itong mahiya?

"Talaga? What position? Gusto mo assistant manager ka na lang? Ako kasi ang manager, e," sabi ni Emman na tinataas-baba pa ang dalawang kilay habang hine-head-to-foot 'yong babae.

Nakakadiri ang kamanyakan ng hayop na 'to.

Pero hindi ba manyak din naman siya? Inisip niya ding halikan ang babaeng ito kanina at idala sa kama niya. Siguro dahil pogi siya kaya ayos lang na maging manyak siya.

"Mas maganda kung maging sous-chef ka na lang. I'm the head chef here," pagmamayabang ni Archie rito.

Alanganin na ang ngiti ng babae sa dalawa. Hindi alam kung kanino babaling at kung sino ang unang papansinin. Nakaramdam siya ng inis sa hindi niya malamang dahilan.

"I'm the owner. Kung pagtatanggalin ko kaya kayong dalawa?" aniya nang makalapit sa mga ito.

Bumaling sa kanya ang tatlo. Sumimangot iyong babae na parang naiinis na makita siya doon. Ito pa talaga ang naiinis sa kanilang dalawa, ha?

Nagtataka naman siyang tinignan nina Archie at Emman.

"What happened to your face, bro'? Bakit may pasa ka?" tanong ni Emman.

"I'll bet my Audi, napa-trouble na naman 'yan dahil sa babae," natatawang sabi ni Archie rito. "Sino sa mga babae mo ang may sabit?"

Hindi niya pinansin ang pang-aasar ng dalawa. Nilingon niya iyong babae na matamang nakikinig sa sinasabi nina Archie at Emman. Nakaramdam siya ng hiya bigla. Napa-iling siya nang ma-realize na wala naman siyang dapat na ikahiya sa babaeng ito.

"Sinabi ko sa'yong sumunod ka sa akin hindi ba?" kausap niya rito.

"Wala kang sinasabi. Sabi mo lang, 'Let's get inside' tapos bigla ka na lang nawala."

"Ang daldal mo talaga. Ano, gusto mo ba ng trabaho o hindi?"

Bigla itong tumuwid ng tayo at lumapit sa kanya. Mukhang kailangan na kailangan talaga nito ng trabaho. Kawawa naman.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now