CHAPTER 14

1.5K 60 0
                                    

ZAC

Ilang oras na siyang nakatitig sa ilaw na nasa kisame. Wala siyang ganang mag-trabaho. Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang sinabi ni Archie. May problema si Charlene?

Maybe he's too busy with the deal that he failed to notice. E, bakit kasi kailangan kong pansinin?

Mababaliw na yata siya. Kanina niya pa kasi inaaway ang sarili. Inuusig siya ng kaniyang konsensiya pero ang utak niya naman ang nagsasabing tama lang ang kanyang naging desisyon.

Nang hindi umaalis sa swivel chair, inabot ni Zac ang cabinet kung saan nakatago ang files ng mga empleyado ng Victoriano's. Hinanap niya doon ang pangalan ni Charlene saka hinugot ang kopya niya ng resume nito.

Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang larawan nito sa resume. Kahit 2x2 picture ay maganda ito. He touched the picture absent-mindedly. What are you doing to me?

Nang mapagtanto ang kanyang ginagawa ay agad niyang binawi ang kamay at tumuwid sa pagkakaupo. Hinanap niya ang impormasyong kinakailangan niya sa resume nito saka dinampot ang kaniyang mga gamit at mabilis na nagtungo sa sasakyan.

To end this, he needs to see her. Kailangan nilang mag-usap para mabigyan ng closure ang nangyari. He'll ask her side of the story at kapag nalaman niyang may kasalanan nga ito ay hindi niya na ito ibabalik sa Victoriano's.

Pero sino ba'ng tao ang aamin ng pagkakamali nito? He's sure she'll just deny it. Pero bahala na. Basta lang malinis ang konsensiya niya. Gusto niya nang matulog ng maayos sa gabi.

Dahan-dahan niyang inihinto ang sasakyan sa tapat ng arko ng baranggay na tinutukoy sa resume ni Charlene. Ito na nga iyon.

Umandar pa siya ng kaunti papasok. Nakita niyang masikip ang daan sa bawat block. Hindi kakasya ang kotse niya. Ayaw niya din naman na magasgasan ang puting sports car na bagong bili.

Nakiusap na muna siya sa baranggay hall upang maki-park doon. Pumayag naman ang tanod na naroon dahil sinabi nitong talamak ang nakawan ng gulong at side mirror sa lugar na 'yon.

Gusto niyang mapangiwi. Oo, alam niyang mahirap si Charlene. But for her to live in a place like this? He just can't imagine.

"Ah, kuya, alam niyo po ba kung saan ito?" tanong niya sa tanod na nakausap niya.

Tinignan nito ang resume ni Charlene saka tumango. "Oo. Mga sampung block ito mula rito."

Itinuro nito ang diretsong daan sa harapan, "Gusto mo ba'ng magpasama? Mukha kang mayaman, hijo. Baka mapag-trip-an ka rito."

Kumunot ang kanyang noo saka lumingon sa larawan ni Charlene sa resume. Really? You live here? Paano kung mapahamak ka pala isang gabi. Ang ganda mo pa naman. Hinarap niya ang mabuting tanod, "'Di na ho. Kaya ko ho ang sarili ko."

"Ganoon ba? O sige, ikaw na ang bahala."

Kumaway siya rito upang magpaalam saka nagtuloy na sa kanyang 'misyon'. Ang hanapin ang bahay ni Charlene at kausapin ito.

Inilibot niya ang tingin sa bawat bahay na nadadaanan niya. He'd been to ordinary communities but he thinks that this baranggay is the worst.

Ang mga bahay ay pawang maliliit tagpi-tagpi. Ang mga bubong ay may malalaking gulong na nakapatong na hindi niya alam kung para saan. Sinilip niya ang loob ng mga bahay mula sa bintanang nakabukas at nahabag siya na makita na mas madami pa ang gamit niya sa kuwarto kaysa sa gamit ng mga ito sa buong tahanan.

Nagkalat din ang tao sa labas. Ang ibang lalaki ay walang saplot pang-itaas. Ang ilang mga bata ay dugyot sa paglalaro sa labas. Mukha ng kahirapan ang baranggay na ito. Sa tingin niya ay dito nag-tape si Villar noon ng campaign ad nito.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now