CHAPTER 21

2.4K 90 42
                                    

CHARLENE

Napatuwid ng upo si Charlene sa bathtub nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kuwarto at ang pagkatok ni Zac sa pintuan ng banyo. Agad niyang pinag-krus ang mga braso sa dibdib kahit na alam naman niyang hindi siya mapapasok nito dito doon dahil naka-lock ang pinto.

"May mga gamit ka pa dito sa labas," sabi nito.

"Gamit? Ano'ng gamit?" puno ng pagtataka niyang tanong.

Akala niya ay wala na ito dahil isang mahabang katahimikan ang sumunod sa kanyang tanong. Pero maya-maya ay sumagot naman si Zac. "Basta! Malalaman mo din! Lalabas na ako!" tila galit na sigaw nito.

Kinunutan niya ng noo ang pintuan. Gusto niyang sigawan ito ng 'Adik'! Pero nakalabas na ito dahil nadinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kuwarto.

Mabilis niyang binanlawan ang katawang balot ng bula. Nais pa sana niyang magtagal sa bathtub dahil sa mainit na tubig pero baka mag-reklamo na naman ang Zac na 'yon. Lumabas siya ng nakatapis ng tuwalya.

Nakuha muli ang atensiyon niya ng kama nito. Doon ay may paper bag na naka-ibabaw. Kinuha niya iyon at tinignan ang loob.

Namula na naman ang pisngi niya.

Laman kasi ng paper bag ang ilang panty at bra na may mga price tag pa. Nakakahiya! Si Zac ba ang bumili nito? Baka! Ito lang naman ang nandito at kasama niya! Nako! Ano kayang iniisip ng isang 'yon habang pinipili ito? Mukha pa namang manyak ang lalaking iyon!

Kinuha niya ang isang pink na bra na may magandang design. Tinignan niya ang presyo at tumataginting na 2, 500 lang naman iyon!

"Diyos ko, ano ba namang bra 'to? Kay Cleopatra pa ba 'to galing?" kausap niya doon sabay lingon sa pinto. "Rich kid mo talaga! May tag-150 nito sa'min!"

"Ano'ng sinasabi mo diyan?!" sigaw nito sa labas.

Dali-dali siyang nagtungo sa may pinto at ni-lock 'yon. Mamaya ay pumasok pa ang sira-ulong iyon dito at kung ano pa ang gawin sa kanya.

Nagbihis na siya. 'Di hamak na malaki ang t-shirt sa kanya kaya tuloy mukhang wala siyang boxer shorts kung titignan. Mukha siguro siyang gangster ngayon dahil sa suot.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na siya habang tinutuyo ang kanyang buhok ng tuwalya. Nakita niya si Zac na nasa kusina at nagtitimpla ng kape. Tumikhim siya upang ipaalam dito ang presensiya niya.

Kita niya ang gulat na bumakas sa mukha nito. Lumapit siya dito. Napalundag siya ng mabagsak ni Zac ang teaspoon sa sahig kaya lumikha iyon ng ingay.

"O, ayos ka lang?" tanong niya sabay kuha sa kutsara at abot dito.

Napakurap-kurap si Zac habang nakatingin sa kanya. Tinabingi niya ang kanyang ulo. "Bakit ganyan ka makatingin?"

Agad itong nag-iwas ng mga mata, "I-Iyan na ang kape mo."

Iitnuro nito ang tasa ng kape nang hindi siya nililingon. Kinuha niya iyon at sumimsim doon. Agad siyang naginhawaan nang maramdaman ang mainit na likido na lumalandas sa kanyang lalamunan, "Kape ho tayo, Sir Zac."

Itinaas niya ang tasa para yayain ito.

"O-Okay." Kumuha ito ng panibagong tasa saka nagsalin ng kape mula sa coffee maker.

Lumipat ito sa stool sa harapan ng counter malayo sa kanya.

Nagkibit-balikat na lang siya saka nilingon ang mga groceries na hindi pa naaayos. Ibinaba niya ang tasa saka nilabas ang mga iyon.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now