CHAPTER 13

1.6K 66 2
                                    


ZAC

Pinagmasdan niya ang kulay gintong likido na nasa kanyang baso bago iyon nilagok. Hindi niya na mabilang kung ilang baso ng alak ang nainom niya ngayong gabi. Kung bakit kasi mataas ang tolerance niya sa alak, hindi pa siya malasing-lasing.

Naaalala niya pa ang mga nangyari kanina. Pagkatapos niyang mag-walk out ay sinundan siya nina Archie at Emman sa kanyang opisina. Walang hinto ang mga iyon sa kakasermon sa kanya tungkol sa naging desisyon niyang patalsikin si Charlene.

Itinaas niya ang baso kay Carlo upang salinan pa siya nitong muli ng alak.

"Ang tagal niyo nang hindi pumupunta dito, Sir, a," naka-ngiting sabi ng kanyang bartender. He's one of the best at binabalik-balikan ng mga tao rito.

Umangat ang gilid ng kanyang labi, "I'm just busy."

Tumango na ito at hindi na nagsalita pa. Mabuti pa itong si Carlo. Alam kung kailan hihinto sa pagsasalita.

Yes, he knows that his decision is a little impulsive. Hindi iyon napag-isipan. Hindi naman siya pumasok sa Victoriano's kanina upang i-fire si Charlene. She's efficient in her job at iyong pangyayari ang kauna-unahang pagkakataon na nagkamali ito.

Naiinis lang kasi talaga siya, hindi kay Charlene, kung hindi sa sarili niya. Mantakin niyo ba naman at napatulan niya iyong customer kanina dahil sa ginawa nito kay Charlene. Iyon ang unang pagkakataon na pumatol siya sa isang customer kahit ba sabihing mali din ito ng ginawa.

At naiinis siya dahil napangunahan siya ng emosyon na dati naman ay hindi nangyayari.

Pero sa tingin niya'y tama lang naman ang nangyari. It's for the good of everyone. Lalo na nina Archie at Emman na baliw na baliw rito. Their jobs are affected because of Charlene. At bago pa man iyon maging sanhi ng mas malaking problema ay dapat na iyong gawan ng paraan.

Uminom muli siya ng alak. Isang senyas lang kay Carlo ay alam na nito ang gagawin. Ngayon na lang yata siya uminom ng ganito karami.

Isa pa ay siya naman ang nagpasok kay Charlene sa Victoriano's. He can fire her anytime he damn please. Wala itong karapatang mag-reklamo. Mas malaki naman ang kakaharapin niyang problema sa oras na totohanin ng Virgilio'ng iyon ang banta sa kanyang negosyo.

"Hi, Chef Zac?"

Nilingon niya ang babaeng nakatayo sa kanyang tabi. Nakatukod ang isa nitong braso sa bar counter at ang malalim na neckline ng suot na manipis at maikling dress ay nagpapakita ng cleavage.

Binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti. "Hi." Binalingan niya muli ang kanyang braso.

He's not in the mood to flirt. At sa tingin niya'y wala namang kinalaman doon ang tungkol sa deal niya sa kanyang mga kapatid. Napa-pikit siya at sinuklay ng daliri ang buhok. May 'duty' pa pala siya bukas sa Hospicio. Nawala sa isip niya.

Nadinig niya ang malanding pagtawa ng babae sa kanyang tabi kaya muli niya itong nilingon. Nakatingin pa din ito sa kanya, "Ang cold cold mo naman. Hindi ganyan ang kuwento sa akin ng mga kaibigan ko tungkol sa'yo."

"Why? What do they tell you about me?" he asked her. If there's one thing he learned from dating Mercedes it is to be sensitive about a woman's feeling. Even if they're being so annoying.

"They told me that you're hot and..." ang daliri nito ay lumilinya na sa kanyang mukha. Unti-unti din nitong inilalapit ang mga labi nila. "Passionate." Sa pagkakasabi no'n ay hinalikan siya ng babae sa labi. Torrid. Na para bang hindi lamang sila ngayon nagkita.

Nagpaubaya na siya. It's just a kiss. Para sa kanya ay wala lang iyon. It doesn't mean anything. He could kiss a dog for all he cares. At ang babaeng ito? Pakiramdam niya ay nakikipaghalikan lang siya sa isang mannequin.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now