CHAPTER 16

2K 89 33
                                    

ZAC

"Charlene let's talk," sabi niya habang mabilis na naglalakad upang sundan ito.

Hindi ito huminto. Kita niya ang magandang likod nito sa suot na damit. This is the first he saw her wearing a sexy dress. He must admit. She's really hot. Makurba ang katawan at may mahaba, maputi at makinis na mga binti.

Inilingan niya ang tinatakbo ng kanyang isip. He's here to apologize to her.

"Ano ba'ng pag-uusapan natin, Sir Zac?" kausap nito ngunit hindi humihinto.

"Huminto ka nga muna kasi sa paglalakad. Paano tayo makakapag-usap ng maayos?!" singhal niya dahil medyo iritado na. Ngunit agad niyang kinalma ang kanyang sarili. Walang mangyayari kung maiinis siya dito.

"Kailangan ko nang umalis," simple nitong sinabi saka mabilis na naglakad patungo sa elevator.

Tumakbo na siya. Nanlaki ang mga mata ni Charlene nang makita ang mabilis niyang pagpunta dito. Pinihit nito ang buton ng elevator upang magsara iyon ngunit agad niyang naiharang ang kamay sa pinto.

Napa-atras si Charlene sa dingding ng elevator, "A-Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

Imbis na sagutin ito ay pinindot niya na lang ang up button at numero ng pinakamataas na palapag. Dumiretso ang elevator nang hindi humihinto at bumubukas ang pintuan.

Kinagat niya ang labi nang sa kauna-unahang pagkakataon ay maalala niyang kasama nga pala niya si Lexie at naiwan ito sa party. Pero kung hindi naman niya kakausapin si Charlene ngayon ay baka mawalan na siya ng pagkakataon.

"Just fifteen minutes," sabi niya rito at sa sarili.

Nadinig niya ang pagbuntong-hininga nito at hindi na nagsalita pa. Nang makarating sila sa pinakamataas na palapag ay inilusot naman niya ito sa isang bakal na pinto patungo sa rooftop ng hotel building. Ilang beses na siya sa hotel na ito kaya kabisado niya na.

"Halika—" napahinto siya nang malingunan si Charlene na nakayakap sa sarili.

Oo nga naman, Zac, malamig sa rooftop na ito. Siya nga na naka-coat ay nakakadama ng ginaw. Nagbuga siya ng hangin saka hinubad ang coat.

"Bakit nagsusuot ka ng ganyan, e?" lumapit siya dito saka inilagay ang coat sa likuran nito.

Napahinto siya nang tumitig si Charlene sa kanyang mukha. Hayan na naman. Naramdaman niya na naman ang puso niya na tumitibok sa kakaibang ritmo. Siguro dahil napakaganda nito ngayong gabi.

Ang buhok nito ay sinadyang ipaalon. Manipis lang din ang make up na nasa mukha. Tama lang upang idepina ang mga mata, ang pisngi at ang labi nito.

Isinukbit niya ang coat sa balikat ni Charlene ngunit ang kanyang kamay ay nanatili sa mga braso nito.

"S-Sir Zac," mahina nitong bulong. "Ano'ng nangyayari sa'yo?"

Ang boses ni Charlene ang pumutol sa pagtitig niya. 'Lang 'ya naman oh. Nagmukha pa siyang tanga na nakatitig dito.

"Ayos na ba?" tanong niya saka bahagyang lumayo dito kahit na mabigat ang kanyang mga paa sa ginawa. There's nothing he wanted to do right now but to stay close to her. Ang tagal.Sobrang tagal na hindi niya ito nakita.

Simpleng tango lang ang ginawa ni Charlene. Niyakap nito ang coat niya, "Ano ba'ng sasabihin mo? Dalian mo, may raket pa ako sa loob."

"Akala ko ba kailangan mo nang umalis?" naniningkit ang mga matang tanong niya rito.

Napabuga ito ng hangin, "Dahilan ko lang iyon para 'di mo na ako habulin. Bakit ba kasi talaga? Tungkol ba doon sa nangyari sa Victoriano's? Sorry na. Masyado lang talaga ako'ng tuliro no'ng mga panahong iyon kaya nadisgrasya ko iyong pagkain. Papabayaran mo pa ba?"

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon