CHAPTER 11

1.6K 57 7
                                    

ZAC

"Zac!"

Nabigla siya sa masayang pagsalubong sa kanya ng kanyang Ate Viv. Kakarating niya lang sa kanilang family mansion kung saan niya malalaman kung sino ang ikalawang date ang ibibigay sa kanya ng mga kapatid.

Bahagya niyang nilayo ang mukha sa napakasayang kapatid. He's way taller than his sisters kaya naman hindi niya malaman kung bakit kung manduhan na lang siya ng mga ito ay gano'n-gano'n na lang.

"What's with the sudden warm welcome?" he asked sarcastically.

For the past days ay naging malamig ang kanyang kapatid sa kanya. He can't blame her though. He put her business to risk because of the incident.

"Wala lang. I'm just so happy. Mercedes called me last night and she's all praises for you, baby brother. Ang sweet mo daw and ang gentleman mo. Oh my god, ang ibig ba'ng sabihin nito ay si Mercedes na ang pinipili mo?"

Halos hindi siya makasingit sa sunod-sunod nitong pagsasalita. Napailing na lamang siya. Mercedes obviously enjoyed the helicopter ride last night. Masaya siya dahil doon. Sana ay maging tuloy-tuloy ang paglo-loosen up nito at pagsubok sa mga bagay.

Siya naman ay narito at kailangan ding ipagpatuloy ang pakikipag-blind date.

"Huwag kang magsalita ng tapos, Viv," sabi ng kanyang Ate Ayen sa likod ng kanyang Ate Viv.

Lumapit siya rito upang humalik sa pisngi nito.

"Yeah, Ayen's right, Viv. Hindi pa nga nakikilala ni Zac ang manok ko. I'm sure my girl will win our brother's heart," ani ng kanyang Ate Camille. Ito naman ang hinalikan niya sa pisngi.

Mukhang nagkapustahan na ang mga ito tungkol sa babaeng mapipili niya. Confident talaga ang mga ito na may magugustuhan siya sa mga babaeng iyon?

Well, yeah, he likes Mercedes. Lalo pa nang mas makilala niya ito. Pero para isuko ang kalayaan niya? Hindi pa ganoon katindi.

"Sisters, hindi niyo ba ay nai-chat ko na sa inyo kagabi? Sumakay silang dalawa kagabi sa isang private chopper!" his ate Viv sighed dreamily. "Ang sweet."

Humarap ito muli sa kanya at pinanggigilan na naman siya ng kapatid, "Ang sweet-sweet talaga ng baby brother ko!"

Napangisi na lang siya. Kung alam lang nito ang tunay na dahilan kung bakit niya isinakay si Mercedes sa helicopter. Yes, partly because he wanted to help her and make her happy but mostly because he's guilty for looking so bored during their dates.

Umiling ang kanyang Ate Camille. Mukhang ayaw nitong magpatalo. Ang kanyang ate Ayen naman ay napa-angat na lang ng gilid ng labi.

Sa tatlo ay sa Ate Ayen niya siya pinaka-kabado. Kinakabahan siya sa babaeng ire-reto nito sa kanya. Baka kasi mamaya ay isang maskuladang pulis na babae angnapili nito para maka-date niya. Naging misyon pa man din nito sa buhay ang pahirapan siya.

"Moving on," anunsiyo ng kanyang Ate Camille. "Tapos na ang one week para kay Mercedes Advincula. Now, it's my girl's turn." Ngumiti ito sa kanya.

Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang hinihintay ang pangalan ng babaeng napili ng kanyang Ate Camille.

"I want you to go to Hospicio de San Juan and look for Teacher Lexie."

ZAC hates teachers. Mostly they are serious and no nonsense people. Competitive din ang mga ito at masyadong argumentative. Alam niya dahil ganoong-ganoon ang kanyang Ate Camille.

At ngayong tama nga ang hinala niyang isang guro ang napili nito, hindi niya maipaliwanag ang kanyang kaba. Suddenly he missed his dates with Mercedes. Mas gusto niya na ulit iyong tahimik kaysa 'yung paulit-ulit na nagpapangaral at sumasaway sa kanya.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now