CHAPTER 7

1.8K 73 3
                                    

ZAC

Nagpaulan siya ng tsokolate sa kanyang mga empleyado nang araw na 'yon.

Ayaw niyang mag-isip ang mga ito na may something sa pagbibigay niya ng tsokolate kay Charlene. Tira-tira lang naman ang tsokolateng iyon. Masisira lang kung iuuwi niya iyon sa bahay dahil 'di naman siya mahilig sa matamis.

"'Yan. Ayos na," naka-ngiting sabi ng kanyang Ate Viv habang tinitignan ang tuxedo na gawa nito para sa kanya.

Nilingon niya ang sarili sa full-length mirror sa kuwarto niya sa bahay nito. May sarili kasi siyang kuwarto sa bahay ng kanyang mga kapatid.

Inayos niya ang itim na bowtie sa kanyang leeg. Iyon lamang at ang kanyang coat ang kulay itim. Ang shirt kasi sa loob at ang kanyang pants ay puti.

"Ang pogi talaga ng baby bunso namin!" nakatawang sabi ng kanyang Ate Viv at mukhang excited na excited.

Of course, this is her night. Ngayong gabi na ang fashion show nito kung saan imo-modelo ang mga gowns na bago nitong likha.

Napabuntong-hininga siya rito. "Can you do me a favor? Can you please stop calling me that?"

Ngumuso ito sa kanya. Ang mapupulang mga labi at buong hugis ay namana sa kanilang ina. "Bakit dahil twenty five ka na? Kahit na ano. Bunso ka pa rin namin."

"But I'm not a baby," naiirita niyang sinabi.

"Oo na po," umabresete na ang kanyang kapatid sa kanya.

She's wearing a bareback long black gown na dinesenyuhan ng mga Swarovski crystals. Kumikinang ang kanyang kapatid sa ganda.

Sa venue na sila nagkita-kita ng mga kapatid. Sa labas pa lang ay puno na ng mga photographer at press ang paligid. Puro kasi sikat ang kliyente ng kanyang kapatid. Mga modelo, mga artista, mga politiko o asawa ng mayayamang negosyante.

Nag-pose silang apat na magkakapatid sa may red carpet. Tinignan siya ng makahulugan ng kanyang Ate Ayen. Wala nang mga death threat sa kanya pero hindi pa rin siya tuluyang ligtas.

"I hope this experience taught you a lesson, Zac."

Actually it didn't. Hindi niya na nga inaalala iyon masyado. Nakakalabas siya ng kanyang condo at nakakagala nang hindi iyon naiisip. Maliban na lang kung pinapaalala nito.

"Let's just enjoy the night, Ate Ayen. Huwag mo na iyong intindihin."

Nilingon siya nito saka nailing. Bumaling na sila sa harap dahil nagre-request pa ng picture ang ilang press. Pagkatapos ay pumasok na sila sa loob. Dim ang lights at malakas na ang tugtog ng musika.

Nakipagbatian pa sila sa ilang kakilala na naroon. Nag-enjoy siya sa dami ng magagandang babaeng nakikita. Ilan sa mga iyon ang lantarang nang-aakit sa kanya tuwing magagawi ang tingin niya sa mga ito.

Hindi lang siya makalapit dahil siya ang escort ng kanyang Ate Viv sa gabing iyon.

Umupo na sila sa mahabang presidential table na nasa gitna. Everyone's excited. Kabado ang kanyang Ate Viv kaya aligaga sa upuan. Hindi ito nakatagal at nagpaalam na para i-check ang kaganapan sa backstage.

"Want me to come with you?" alok niya.

"No, stay here. Magkakagulo ang models kapag nagtungo ka doon," sagot ng kanyang Ate Camille. Katabi niya kasi ito. Sa gilid nito ay ang asawa na nakikipag-usap sa negosyanteng isa sa sponsor ng event na ito.

Natawa siya sa sinabi nito. "You're exaggerating things," he said.

"Tama si Ate Camille," pagsang-ayon ng kanyang Ate Viv rito. "Ako na lang mag-isa."

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now