CHAPTER 8

1.8K 69 12
                                    

ZAC

"You knew about this, Ayen, but you never even told us? Ano ito tinutulungan mo na si Zac sa mga kalokohan niya?"

Tahimik lang si Zac sa sofa sa loob ng library ng kanilang family mansion. This is serious. Sila-sila lang kasing magkakapatid ang narito. Pinauwi ng mga kapatid niya ang kani-kanilang mga asawa.

"I tried to control the situation, Ate Camille. Ayaw ko lang na mag-alala kayo."

"Well, we're worried now, Ayen. Mas nag-aalala kami ngayon dahil nasa panganib pala ang buhay ni Zac nitong mga nakaraang linggo!"

Nagbuga siya ng hangin. Hindi siya makatingin sa mga kapatid dahil alam niyang mas pasasabugan siya ng mga ito ng sermon. Naaawa pa siya sa kanyang Ate Ayen dahil ito ang napagbubuntunan ng galit ni Ate Camille.

Pasimple niyang tinignan ang kanyang Ate Viv. She looks sad and upset because the event didn't end so well. Nagkagulo na ang lahat. Pinauwi na ang mga guests kahit hindi pa tapos ang fashion show.

At nasisiguro niyang laman ng balita ito paggising niya kinabukasan. Puno ng press ang event na 'yon.

"Zackery..."

Napalingon siya sa kanyang Ate Camille. Nanggagalaiti talaga ito, "Ano ba'ng pumasok diyan sa kukote mo at pumatol ka sa isang babaeng may boyfriend na?!"

"Hindi ko alam na may boyfriend siya," paliwanag niya. Ilang beses niya ba itong uulitin sa mga kapatid?

"Paanong hindi mo alam?" nagtataka nitong tanong. "Paano ka ba pumili ng mga babae mo, ha?"

"I just met her in a bar, Ate. Iyon lang."

"Wala ka na talagang pinipili, ano? Kung sino na lang ang maganda kahit may asawa't anak na papatusin mo pa din?" sinapo ng kapatid ang noo. "Ito ang balitang papatay kanila Mama't Papa kung nabubuhay pa sila. Paano ka natutong kumabit, Zac?"

At ipinagpatuloy ng kanyang Ate Camille ang sermon nito. Lumulusot na nga lang sa kabilang tenga niya ang mga iyon. Paulit-ulit lang naman kasi ang mga sinasabi nito. Sa huli ay ang hindi niya pagkakaroon ng steady girlfriend ang sinisisi nitong dahilan ng mga gulong nakasangkutan niya dahil sa babae.

"You need to have a serious and steady girlfriend, Zac," she summed up.

Gusto niyang mapa-facepalm kung hindi lang mataman ang tingin nito sa kanya.

A serious and steady girlfriend? Seriously? Kung sa mga ito nga lang ay halos dumugo na ang tenga niya, paano siya kukuha ng isa pang babaeng manenermon sa kanya tuwing may gagawin siyang bagay na hindi aayon rito?

No.Way.

At isa pang babaeng tatalian siya sa leeg? No. No. Way.

Titiisin niya na lang ang bunganga ng kanyang Ate Camille.

"I agree with your idea," sabat ng kanina pa tahimik na si Viv.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. No, hindi ito puwedeng pumayag! Ito nga dapat ang magsabing huwag siyang pilitin kung wala pa talaga! Kakampi niya ito hindi ba?

"Ate Viv—"

"Iyan din ang nakikita ko'ng solusyon rito," sa halip ay sabi nito. Seryoso ang mukha habang nakatingin sa kanya. Nagalit nga yata talaga ito dahil sa gulong naganap kanina.

"This isn't a joke anymore, Zac. Hindi na lang ikaw ang napahamak, naipahamak mo pa kami at ang lahat ng taong naroon sa may event kanina! God, I just can't imagine kung ano ang magiging resulta ng pangyayaring ito sa negosyo ko."

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now