CHAPTER 15

1.8K 74 14
                                    

ZAC

Nakasunod lang ang kanyang tingin kay Lexie habang naglalakad ito palayo. That girl is a piece of work. Ang hirap nitong maintindihan. Ngunit ang takot at matinding hinagpis na nakita niya sa mga mata nito ay tumatak sa kanya.

What could've happened to her in the past that made her react like that in just a simple joke? May ideya siya ngunit hindi niya kayang paniwalaan.

Kinuha niya ang telepono nang hindi umaalis sa kanyang puwesto sa garden. May kinausap siya doon sandali bago bumalik sa kanyang pang-araw-araw na gawain sa ampunan na iyon.

Hapon nang matapos siyang magpintura kasama ng iba pang volunteers. Naglilinis na siya ng kamay at braso sa likod-bahay ng ampunan nang lapitan siya ni Lexie.

"What are these?" tanong nito.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang hawak nito ang bulaklak na in-order niay kanina upang ipadala ito. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay siya ng bulaklak sa isang babae.

"Flowers," he said simply.

Ibinato ni Lexie ang bulaklak sa kanyang harapan. Pinatay niya ang gripo saka naka-kunot noong lumingon dito, "What?!" May problema na naman?! "Ibinigay ko 'yan sa'yo para humingi ng tawad—"

"I don't like flowers."

"Bakit naman?" Hindi ba ay gustong-gusto ng mga babae na mabigyan ng bulaklak?

"Because it signifies the most private part of a woman! Hindi ba ay kabastusan iyon?!"

Another lecture from teacher Lexie. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin sa babaeng ito. Masyado itong lohikal. Lahat na lang ng bagay ay binibigyan ng ibig sabihin. "Hindi naman iyon ang iniisip ko nang bilhan kita niyan."

Namula ang mukha ni Lexie sa kanyang sinabi. Pinigilan niya ang sariling matawa at punahin ito dahil baka maka-offend na naman siya. But damn him if she's not cute.

"Huwag mo na ulit ako'ng bibigyan niyan. Ayos na sa akin ang sorry. Pumayag na ako'ng ituloy ang deal na ito upang matapos na."

"I can see that you're very uncomfortable with this. Dapat ay hindi ka na pumayag noong una pa lang. Sa tingin ko ay maiintindihan naman iyon ni Sister Mauricia."

"You don't understand."

Nanatili ang titig niya rito. Nakatingin ito sa baba na parang naging biglang interesado sa suot nitong sapatos, "Ano ba'ng hindi ko naiintindihan? Iyon ang nakikita ko, Alexandra."

"Ayaw ko siyang saktan."

"Saktan? Paano?" ganoon ba kagusto ng Tiya nito na magka-boyfriend na si Lexie para masaktan ito kung sakaling hindi pa nito gusto? Lexie's right. He can't understand.

"Please. Huwag mo nang itanong. Let's just leave it there."

Napabuntong-hininga siya. "You seem like a good person to me. Matalino. Maganda. Pero ang hirap mo'ng ispellingin, alam mo ba? At mas nakaka-frustrate pa dahil pakiramdam ko gusto mo'ng maintindihan ka pero hindi mo ipinapaliwanag ang iyong sarili."

Pinunasan niya na ng towel ang kanyang braso saka humarap kay Lexie. Hindi pa din ito makatingin ng diretso sa kanya. Parang may bagay itong ikinahihiya. Hindi naman ganito ang anyo nito noong una silang magkita.

She's so confident and in control. Hindi iyong ganito. Mukha itong takot na takot.

"Sige na. Aalis na ako," paalam niya saka akmang aalis.

"I almost got raped."

Naphinto siya sa kanyang paglalakad nang marinig na magsalita si Lexie. Dinig niya ang panginginig ng boses nito. Nang pumihit siya upang harapin ito ay mahigpit ang pagkakahawak nito sa palda. He can see her knuckles turning white.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now