CHAPTER 12

1.6K 77 7
                                    

ZAC

Pinagmasdan niya mula sa kanyang kinauupuan sa kantina ng Hospicio si Teacher Lexie. She's preparing a snack for them. Sinabi niyang hindi na iyon kailangan ngunit nagpumilit ito. Ayos na din. At least nabigyan siya ng pagkakataong mas obserbahan pa ito.

Kanina nang matitigan niya ang mukha nito ay nakumpirma nga niyang maganda talaga si Lexie. May maganda at matangos na ilong, makurbang mga labi at mapupungay na mga mata'ng bagaman nagpapakita ng talino ay palagi namang nakangiti.

Napansin niya rin na masyado itong motherly kahit na hindi pa man niya ito lubusang nakakausap. Malapit na malapit ito sa mga bata at kung titignan mo ay handang-handang gawin ang lahat para sa mga ito. He reminds him of his Ate Camille. Parehas na parehas ang mga ito sa aspetong iyon.

Except for this woman's wardrobe. Balot na balot at patay na patay ang kulay ng damit. Ganito ba ito palagi manamit? Kung sabagay, bakit nga naman ito magsusuot ng mga damit na revealing sa isang institusyong pinamamahalaan ng mga madre?

Umayos siya ng upo nang makitang binuhat na ni Lexie ang tray. Nakita niya ang dalawang tasa ng kape roon at dalawang platito na may lamang cake. Yema cake.

He's not fond of sweets. Bihira nga lang siya bumili ng mga tsokolate at kumain ng cake. Pero kung tatanggihan naman niya ang pagkaing inihanda nito ay baka maka-offend siya.

Ngumiti siya nang ilapag ni Lexie ang mga pagkain sa kanyang harap.

"Kami ang gumagawa ng yema cake na 'yan," paliwanag nito nang makaupo. "Ibinebenta namin para na rin magkaroon ng pondo para sa mga bata. Try it. Balita ko ay isa kang chef."

Tumango siya sa paliwanag nito, "Yeah, pero matagal na din ako'ng hindi nakakapagluto." Dinampot niya ang tinidor at kumuha ng maliit na piraso mula sa cake at sinubo iyon.

Nginuya niya muna iyon sa kanyang bibig para malaman ang lasa. Nakatingin si Lexie sa kanya. Hindi nabawasan ng salamin nito sa mga mata ang pagka-intimidate niya sa babae. Malakas talaga ang dating nito. Natural na siguro sa mga guro ang maging intimidating.

Or is it just her?

"Kumusta?" tipid ang ngiting sabi nito.

"Masarap. Pero siguro bawasan lang ng kaunti ng tamis," he said politely. Masyadong matamis.

Umangat ang gilid ng mga labi nito. "Hindi ka siguro mahilig sa matatamis."

Uminom siya ng kape saka pa ito sinagot, "Ganoon na nga." Ineksamin niya ang babaeng nasa kanyang harapan. "Kaibigan ka pala ng kapatid ko. Pwede ko bang malaman kung paano kayo nagkakilalang dalawa?"

"Ah, benefactor kasi ang Ate Camille mo sa Hospicio. She donates books and school supplies for the kids. Naging Student Teacher din ako sa school na kanyang pinagtuturuan."

"St. Clement Montessori?"

Tumango ito.

Inilibot niya ang paningin sa kanyang paligid. Kung isa sa mga benefactors ang ate niya rito bakit hindi ito mag-donate para sa pagpapa-ayos ng ampunang ito? Nababakbak na ang mga pintura sa paligid at luma na ang ilang pasilidad.

"Kakaunti lang ba ang foundation at indibidwal na tumutulong sa inyo?" tanong niya nang muli itong harapin. "Para maipasa-ayos man lang ang lugar na 'to."

Inayos ni Lexie ang salamin nito. She could be a model if she wanted to. Wala pang make up ito at manang pa mag-ayos pero ganito na ito kaganda.

"Marami-rami naman. Pero hindi lang basta pera ang pinag-uusapan rito kung hindi napakalaking pera. Iyong araw-araw na pangangailangan pa lang ng mga bata ay malaking pera na ang nauubos. Iyong pagpapasuweldo pa sa mga staff at social workers na naririto."

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now