CHAPTER 17

1.8K 74 3
                                    

CHARLENE

Pinigilan niya ang sariling matawa habang pinagmamasdan ang reaksiyon ni Sir Zac sa sinabi ng Ate Ayen nito. Ang sarap nitong kuhanan ng larawan at saka niya ipapakalat sa facebook. Pero hindi niya ginawa.

Una, dahil wala naman siyang camera.

Pangalawa, mas lalong wala siyang Facebook.

At pangatlo, dahil nasisiguro siyang ganyang-ganyan ang mukha niya nang sa kanya naman pinasabog ni Ate Karen ang balita. Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito.

"Pag-usapan natin ito sa labas, Ate Ayen," sabi nito sa kapatid ngunit nasa kanya naman ang tingin.

"Okay. Sige Charlene, usap lang kami," kausap naman ni Ate Ayen sa kanya.

"Sige po," sabi niya na may tipid na ngiti saka bumalik sa paglilinis na inihinto niya kanina dahil sa pagdating ng mga ito.

Paano nga ba nangyari ang lahat ng ito? Nangyari ang lahat ng ito dahil napasubo siya ng malaki. Kinailangan niya ng matinding tulong at noong mga panahong iyon ay ang Ate Ayen niya lang ang nag-alok sa kanya ng isang deal na hindi niya matanggi-tanggihan.

Naging sabay-sabay ang kanyang problema.

Ang dalawa niyang kapatid na si Kuya Ryan at Marco ay kapwa na-ospital. Nagkaroon ng matinding seizure attack ang kuya niya habang si Marco naman ay na-dengue. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya nakakapasok sa gasolinahan at kung bakit din palagi siyang lutang kapag nasa Victoriano's.

Nakakaawa din ang lagay ng kanyang ama. Nahihirapan itong maglakad ngunit kinakailangan na umalis-alis kapag may gamot o IV na pinapabili iyong nurse. Wala naman siyang choice dahil kung hindi siya kakayod ay wala siyang pera na pambayad sa gastusin sa ospital at kanilang pagkain.

Noong araw na patalsikin siya ni Zac sa Victoriano's, iyon din ang araw na pinalayas sila sa tinutuluyan nilang bahay. Inihagis ni Aling Perla ang kanilang mga gamit sa labas. Iyon na lang ang naabutan niya dahil nakakandado na ang bahay.

Umulan pa ng napakalakas noon. Hindi niya alam kung saan pupunta o kung paano dadalhin ang mga gamit nila ng nag-iisa. Tama nga iyong kasabihan. When it rains, it pours talaga.

Pero sa kabila ng lahat ng kamalasan ay mabait pa rin ang Diyos sa kanila. Inakala niyang wala nang dadating na saklolo ngunit saktong natagpuan siya ni Ate Ayen sa waiting shed sa labas ng kanilang baranggay.

Hindi niya inaasahan na magkikita sila ulit nito.

"Dito na lang kayo ng pamilya mo tumira," anunsiyo nito habang inilalahad ang magandang bahay nito sa isang magandang village 'di kalayuan sa kanila.

Nanlaki ang mga mata niya, "A-Ano po?"

Ngunit hindi nito pinansin ang tanong niya, "Iyong mga kapatid mo din ay naipalipat ko na sa private room. Magkasama sila doon. May private nurse din ako'ng kinuha para hindi mahirapan ang iyong ama sa pagbabantay."

"Ha?! Pero paano niyo po nalaman ang tungkol diyan?"

Ang huling naaalala niya ay matagal sila bago nagkita matapos no'ng engkuwentro sa snatcher. Inaamin niyang nabilib siya sa magandang pulis. Ang astig kasi nitong tignan noon.

Ngumisi si Ate Ayen na tila nanghihingi ng tawad, "Sorry. Pinasundan kasi kita at nag-imbestiga ako tungkol sa'yo."

Kung normal na araw lang siguro ito ay baka nagalit na siya. Sinundan? Pina-imbestigahan? Ano siya kriminal? Ngunit ang mas nais niyang malaman ay ang dahilan nito kung bakit nito iyon ginawa.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now