CHAPTER 9

1.7K 70 5
                                    

ZAC

Kinabukasan ay nagtungo sila Zac at Mercedes sa boutique gaya ng pangako nito sa kanya. Nasa BGC iyon at may kalakihan. Sa interior pa lang ng buong shop ay malalaman mo nang hindi basta-basta ang mga ibinebenta.

Ilang staff ang naroon at bumati sa kanila ni Mercedes. Simpleng ngiti lamang at tango ang ibinigay niya sa mga ito.

"Nasa Quezon City pa ang MCorp. doon ginagawa ang mga damit na 'to," paliwanag ni Mercedes habang tinitignan ang mga damit na naka-display.

"You design all of these?" tanong niya para lang may mapag-usapan.

Pero sa totoo lang ay gusto niya na agad umalis. What does he know about dresses? Hindi siya interesado kung paano ito ginagawa dahil mas interesado siya sa pagtatanggal ng damit sa mga babae niya.

"Most of them, yes. But we also have other in-house designers," simpleng tugon nito.

May mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa kanilang dalawa.

Madalas itong mangyari sa kanila. Yes, he likes it. Ikaw ba naman ang lumaki sa bahay na puno ng mga babaeng walang ibang ginawa kung hindi ang sermunan at pagsabihan ka? Pero siya na lang ba ng siya ang mag-iisip ng maaaring pag-usapan nila?

"How did you end up in this career? I mean, may nag-impluwensiya ba sa'yo? Nabanggit mo naman sa akin na hindi sa linyang ito ang negosyo ng pamilya mo."

Tumingin si Mercedes sa kanya mula sa coat na hinahawakan nito kanina. Nagsimula na itong magkuwento simula sa kung paano nito gawan ang mga manika nito ng damit at kung ano-ano pa.

Nagtanong siya pero hindi siya nakikinig. Gusto niya lang na magsalita si Mercedes para hindi naman awkward. Nakatayo lang kasi sila rito at pinagmamasdan ng walang katapusan ang mga damit na nasa harapan.

Hindi niya na talaga alam kung sino sa kanila ni Mercedes ang may problema.

Si Mercedes ba at ang pagiging tahimik at demure nito o siya dahil hindi siya sanay sa ganitong uri ng pakikipag-date? Paano na 'yan? Dalawang araw pa lang at may limang araw pa na natitira. Hindi pala ito madali tulad ng kanyang inaakala.

Wala naman kasi siyang attraction na nararamdaman para dito.

Okay. Mercedes is pretty, smart and about everything that guys want their girlfriends to be. Pero wala talagang attraction, e. Walang chemistry. Walang kahit na ano. Kaya siguro kahit na wala naman talagang problema kay Mercedes ay napakadami niyang reklamo.

"Kaya 'yun, dito ako nauwi..."

Doon pa lang bumalik sa kanya ang naglalakbay niyang diwa. Ngumiti siya kay Mercedes. "Talaga? That's great." Tugon na lang niya.

Ngumiti din ito saka nagpatuloy sa pag-aayos ng damit sa harapan na hindi naman niya makitaan ng problema. 'Cricket' moment. Sumuko na siya. Nagmasid-masid na lang siya sa boutique nito kahit na puro damit pambabae lang naman ang naroon.

Nagtungo muli sila sa Victoriano's para mag-dinner. Wala namang reklamo si Mercedes dahil doon. Expected na niya iyon dito. Hindi naman kasi ito 'yung tipo na magre-reklamo. Hindi na nga niya ipagtataka kung sasabihin nito na ni minsan ay hindi pa ito na-involve sa isang catfight.

She doesn't look like a bitch to him. Hindi tulad ng ibang babaeng nakilala niya na masaling lang ng kaunti ang braso ay nakikipag-bunutan ng anit na. She's so quiet, demure, prim and proper. Yeah, like a real Maria Clara.

Pero hindi siya si Crisostomo Ibarra. He's Zackery Jalbuena. Kaya hindi ang tulad nito ang tipo niya.

Pagkatapos mag-dinner ay umuwi na din si Mercedes. Hindi na ito nagpahatid tulad kahapon.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon