CHAPTER 22

2.5K 86 5
                                    

CHARLENE

"Drop the 'Sir' and just call me by my first name."

Pagkasabi ni Zac no'n ay tumayo na ito sa upuan nito saka nagtungo sa loob ng kuwarto. Naiwan siya sa tapat ng kanyang niluluto na naguguluhan sa sinabi nito.

Gusto ni Zac na tawagin niya ito ng 'Zac'?

"Zac," mahina niyang banggit.

Parang mali sa kanyang mga labi. Siguro dahil sa simula pa lang ay 'Sir Zac' na talaga ang tawag niya rito. He's always been her boss. Hanggang ngayon ay boss niya ito dahil ate nito ang nagpapasuweldo sa kanya.

Nagkibit-balikat na lamang siya at bumalik sa ginagawa.

Matapos kumain at hugasan ang mga pinagkainan ay saktong labas naman ni Zac mula sa kuwarto nito. Nakapalit na ito ng pantulog. Isang puting t-shirt na humahapit sa katawan nito at board shorts. She can't really deny the fact that he's a looker.

Kahit na simple lamang ang ayos nito at kung tutuusin ay walang espesyal doon ay guwapo talaga ito.

May dala-dala din itong unan at kumot. Doon na siya lumapit dito.

"Ako na diyan," alok niya dahil doon naman siya matutulog sa sofa.

Tumingin si Zac sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tumalon ang puso niya nang matitigan ito. Kung guwapo na ito kanina ay mas gu-mu-wapo pa ito ngayong mas malapit sila sa isa't isa.

Pero bakit puna siya ng puna sa kaguwapuhan nito?

"Bakit?" tanong nito.

"Ako na diyan. Ako naman ang hihiga diyan."

Kukunin niya na sana ang unan mula rito nang hawakan nito ang kamay niya. Agad na naramdaman niya ang mainit nitong kamay.

"Sino'ng nagsabing dito ka hihiga? Sa kuwarto ko ikaw matutulog."

Binawi niya ang kamay rito, "Ha?"

"Let's not argue about this, Charlene. Matulog ka na dahil baka mas lalo kang magkasakit niyan," malumanay ang boses nito.

Hindi na siya nakapagsalita. Hindi niya alam kung bakit sa isang iglap ay naging kalmante ito habang kausap siya. Hindi ito nakasigaw o kaya nakasimangot.

"Pero nakakahiya naman—"

"Nakakahiya kung ikaw ang nag-insist na sa kuwarto ko matulog," sansala nito kaagad saka naupo sa sofa. Tumitig ito sa kanya, "O kung ayaw mo talaga sa kuwarto ko, 'di dito ka na rin sa sofa matulog." May pilyong ngiti sa mga labi nito.

Tinapik nito ang espasyo sa tabi, "Malaki naman ang sofa na 'to kaya kasya tayo."

Inambaan niya ito ng suntok. "Sapakin kaya kita d'yan?" umirap siya. "Sige na. Sa kuwarto mo na ako matutulog."

Tinalikuran niya na ito saka humakbang palapit sa pintuan ng kuwarto ni Zac.

"Charlene..."

Pipihitin niya pa lang ang doorknob upang tuluyang makapasok sa loob nang huminto upang lingunin ito. Seryoso na ang mukha ni Zac. Wala nang bakas ng humor doon mula sa panga-alaska sa kanya kanina.

"Bakit?" iritado niyang tanong.

Umangat ang gilid ng labi ni Zac para sa isang magandang ngiti, "Good night..."

Sumikdo muli ang kanyang puso sa tonong ginamit nito nang sabihin iyon. Isang malaking tanong talaga sa kanya ang lalaking ito. Minsan pakiramdam niya ay ayaw nito sa kanya at tila ba diring-diri ito kapag malapit siya. Minsan naman parang gusto siya nito.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now