CHAPTER 10

1.7K 67 1
                                    

ZAC

Dumaan ang ikatlo, ikaapat, ikalima at ikaanim na araw ng date nila ni Mercedes na halos wala siyang maalala. Paulit-ulit lang yata ang ginagawa nila. Magpupunta sa kung saan, kakain, uuwi tapos balik na naman sa simula.

Oo na, ipinangako niya nang susubukan niyang maging magiliw rito pero hindi niya talaga magawa. Siya pa naman iyong tipo ng tao na hindi marunong magpanggap. Kapag ayaw niya, ayaw niya. Kapag gusto niya, gustong-gusto niya talaga.

Ang tanging highlight na nga lang ng araw niya ay kapag nagi-stay siya sa Victoriano's. Palagi kasi siyang lihim na nakamasid sa bawat kilos ni Charlene. Wala namang iba sa ginagawa nito sa araw-araw pero aliw na aliw siya.

Mas naaaliw pa siyang sundan ito ng tingin kaysa sa pakikipag-date kay Mercedes. Minsan gusto niya na ding iuntog ang sarili sa pader. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na tigilan ang kahibangan kay Charlene pero sa huli ay tina-traydor siya ng sariling katawan.

Ano ba'ng mayroon sa babaeng iyon at ganito siya kahayok na makuha ito? Kung babae't babae lang naman ay marami namang iba diyan. Iyong madaling makuha. Iyong may class, may breeding at mula sa mundong pinanggalingan niya.

Pero sa huli ay may kung ano sa babaeng iyon na talaga namang kinukuha ang pansin niya.

Bumuntong-hininga siya saka pabagsak na ibinato ang sarili sa kama. Bukas na ang huling araw ng date nilang dalawa ni Mercedes at masama mang pakinggan ay nakakadama siya ng saya.

Pero hindi magtatagal ang saya na iyon, nasisiguro niya. Pagkatapos ng kanyang Ate Viv ay ang babae naman na inire-reto sa kanya ng kanyang Ate Camille ang kasunod. And knowing his sister's friends, mas nakakabagot pa siguro ang date nito para sa kanya.

Inihilamos niya ang palad sa mukha. "Two more weeks, Zac. Two more weeks. Pagkatapos ay balik ka na sa pagiging malaya."

Kinabukasan ay nagising siya ng maaga. He's so excited to get through the day. Naisip pa nga niyang idala si Mercedes sa ibang restaurant naman para sa kanilang dinner. For the past six days ay sa Victoriano's lang talaga sila.

Sinundo niya na si Mercedes sa condo nito. Nagulat pa nga ito dahil kadalasan ay nagkikita lang sila sa lugar na papasyalan nila. But this day's different from the other days.

Nagtungo sila sa isang sosyal na mall. Ipinamili niya ito ng mga gamit kahit na sinabi nito na hindi naman nito iyon kailangan.

Niyaya niya din itong manood ng movie pero tumanggi ito. Sa tinagal din nilang nag-date ay nalaman niyang marami itong bagay na hindi gustong gawin. She's not really outgoing.

Nang maggabi ay dinala niya ito sa isang restaurant na sinuhestiyon ni Archie sa kanya. Maganda ang interior ng restaurant at romantic ang ambiance. Hindi din ganoon karami ang tao kaya masisiguro ang privacy ng bawat kumakain.

"Hindi tayo sa Victoriano's?" tanong ni Mercedes habang inaalalayan niya itong umupo sa katapat niyang silya.

Naupo na din siya saka pa niya ito sinagot, "Hindi, e. Naisip ko na baka nagsasawa ka na doon."

"Hindi naman," tipid itong ngumiti. "Masarap ang mga pagkain niyo doon."

"Thanks," he said genuinely. Masaya siya kapag may nakaka-appreciate ng pagkain nila sa restaurant na 'yon.

Um-order na muna sila ng pagkain. Habang naghihintay ay sinikap niyang magsimula muli ng conversation. Tahimik na nga sa restaurant na 'to ay magiging tahimik pa din ba sila?

"So, after this, what are you going to do?" tanong niya.

Mula sa pagtitig sa rosas an centerpiece ng mesa ay nag-angat ng tingin si Mercedes sa kanya, "The usual. Sa trabaho lang."

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now