CHAPTER 4

1.8K 65 0
                                    

CHARLENE

Ipinaypay ni Charlene ang brown envelope sa kanyang mukha habang umiinom ng buko juice. Alas-dose na ng tanghali pero hindi pa siya nakakakain. Ngayon niya kasi binalak na puntahan ang mga restaurant na ini-rekomenda sa kanya ni Eda.

Nagpalipas-oras siya habang naka-upo sa gutter. Pinagmamasdan niya ang mga sasakyan na dumadaan sa kanyang harap at ang mga taong may kanya-kanyang ginagawa.

Hindi pa siya natatanggap sa trabaho pero hindi siya susuko. Kung kailangan niyang suyurin ang buong siyudad para lang makapaghanap ng trabaho ay gagawin niya.

Wala na talaga kasing pera sa kanilang bahay. Said na said na sila. Kailangan niya pang magbayad ng renta, kuryente at tubig. Kailangan din nila ng pangkain araw-araw.

Hindi sapat kung ang suweldo niya lang bilang gasoline girl ang bubuhay sa kanila. Kailangan niya ng iba pang trabaho. Kung puwedeng tatlong trabaho sa isang araw, bakit hindi?

Tumayo na siya at nag-abot ng bayad kay manong na nagtinda sa kanya ng buko juice.

"Sorry ha, kailangan kasi namin sa mga waitress na tinatanggap namin dito sa restaurant, e, 'yung mga kahit paano ay nakaabot na dalawang taon sa college," sabi ng manager ng restaurant na huli niyang pinuntahan.

Inabot na nga siya ng gabi rito. Hindi pa ito kasama sa listahan na ibinigay sa kanya ni Eda dahil wala ding tumanggap sa kanya sa mga roon. Wala na daw silang bakanteng posisyon.

"H-Ha? Pero po ma'am, may experience naman po ako sa pagiging waitress. Sigurado po ako'ng kayang-kaya ko ang trabaho."

"Pasensiya na talaga iyon ang kailangan namin, e."

"Wala na ho ba talagang ibang posisyon? Kahit janitress ho, pwede ako. Kahit ano. Kailangang-kailangan ko lang ho talaga ng trabaho."

"Wala na, e. Pasensiya ka na."

Napabagsak na lang ang balikat niya. Nag-ubos pala siya ng pera ngayon sa wala. Wala na rin naman siyang mahanap na trabaho ngayon sa lugar nila. Pahirapan talaga ang trabaho ngayon.

Tumayo siya na lulugo-lugo. Ilang oras pa siyang nagpaikot-ikot muli sa lugar para magbakasakali na makahanap ng trabaho. Kahit katulong ay papatusin niya na para lang makabili ng gamot para sa kapatid.

Nahinto siya nang makita ang Victoriano's Restaurant mula sa kanyang kinatatayuan. Ang sosyal tignan ng restaurant na 'yon kaysa sa restaurant na itinuro sa kanya ni Eda. Mukhang mamahalin ang pagkain at sosyal din ang mga customer.

Inayos niya ang buhok at tinuwid ang kanyang damit. Inamoy niya ang sarili. Mabango pa naman siya kahit na babad siya sa tirik na araw at polusyon sa kalsada. Ang kaso ay gutom na gutom na siya. Hindi siya nakapagtanghalian at halos maga-alas diyes na ng gabi.

Susubukan niyang mag-apply doon kahit na sabi ni Eda ay hindi tumatanggap ng mga single na babae ang restaurant na iyon.

Parating na siya sa kabilang panig ng kalsada nang makarinig ng paglangitngit ng kung ano sa kanyang kanang gilid. Kasabay no'n ang malakas na singhapan ng iilang taong naglalakad pa sa tabi sabay tingin sa kanyang gawi.

Unti-unti niyang nilingon na may gulat na ekspresyon ang kanyang mukha ang sasakyang muntik nang kumitil sa buhay niya. Nasa pedestrian lane siya. Tinignan niya ang kaliwa't kanan niya kanina bago tumawid.

Nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pinto. Hindi siya makatingin sa mukha ng taong muntik na sumagasa sa kanya dahil sa labis na gulat. Kamuntikan na 'yon. Kadangkal na lang ang layo ng sasakyan nito mula sa kanya.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now