EPILOGUE

4.5K 169 34
                                    


ZAC

Malalakas at magkakasunod na katok ang gumising sa kanya mula sa pagkakatulog. Pagmulat ng mga mata niya ay agad na sumakit ang kanyang sentido. Naglasing siya kagabi. Puro hard liquor lang ang iniinom niya nitong mga nakaraang gabi. He needed those so he could sleep soundly at night.

"Zac..." tinig iyon ng kanyang Ate Camille.

Hindi man lang siya kumilos para pagbuksan ito. His door isn't locked anyway.

Nadinig niya ang pagbukas ng pinto. Hinugot niya lang ang unan sa kanyang gilid at tinalukbong sa kanyang mukha. Naulinigan niya ang pagbuntong-hininga ng kapatid.

"Ilang linggo ka nang naglalasing, Zac. Kailan mo ba talaga balak itigil 'yan?" malumanay na tanong ng kanyang kapatid.

Kung ibang pagkakataon lamang ito ay baka nabulyawan na siya ng kanyang Ate Camille. But he knew that she knew why he's acting like this for the past weeks.

Tuluyan nang naka-alis si Charlene ng bansa. Matapos no'ng failed attempt niya na mag-propose dito ay binalikan niya pa ito. He asked her again. Napa-ngiti siya ng mapait. Pinagmukha niyang gago ang sarili para sa wala. Charlene's firm with her decision. She refused his proposal again.

"Zac, please understand her decision," nadinig niya ang boses ng kanyang Ate Ayen. Magkakasama pala ang mga kapatid niya nang magtungo doon. "She's still young. Malay mo balang-araw..."

Balang-araw...ulit niya sa kanyang isip. Balang-araw wala pa rin. Hindi pa rin siya magagawang mahalin ni Charlene. Sinabi na nito iyon hindi ba? Na useless kung maghintay pa siya dahil hindi nito alam kung maibabalik ba nito ang pagmamahal niya.

"Baby brother, don't do this to yourself. Ano ba'ng gusto mo'ng gawin, ha? You want to go island hopping? Go on a cruise with us? Just tell us, Zackery. Hindi kami sanay na ganyan ka."

"Just leave me alone please," pakiusap niya sa mga kapatid. Ito lang ang tanging kailangan niya ngayon. Ang maging mag-isa. Ang mapag-isipan ang lahat. Ang maka-move on sa sarili niyang paraan.

Napabuntong-hininga na naman ang tatlo. Pagkatapos ay naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng mga ito sa kanyang buhok. "Okay, we'll leave you now. Pero kung kailangan mo kami, don't hesitate to call. And, also, Lexie's worried about you. Kausapin mo siya," sabi ng kanyang Ate Camille.

Nadinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kuwarto niya hudyat ng pag-alis ng mga kapatid. Pumikit siya at sinubukan muling bumalik sa pagtulog.

He never thought that heart breaks felt like...shit. Like hell. Like everything painful and bad rolled into one. Sobrang sakit sa bandang dibdib niya. Palaging mabigat. Parang nananaksak. Pero imbis na mamatay sa mga saksak na iyon ay mararamdaman mo lang ang sakit.

Alam niyang ganito ang mangyayari. Alam niyang tatanggihan siya ni Charlene. Pero hindi niya maiwasang hindi umasa. Na kahit papaano ay may ibig sabihin ang ilang araw na pagsasama nilang dalawa. Na kahit paano ay nakita nito ang tunay na motibo niya.

Hindi niya ba naipakita? Pakiramdam niya ginawa niya na ang lahat. Binigyan niya ito ng maraming choices upang piliin na lang na manatili sa tabi niya pero mas pinili nito ang lumayo.

Hindi ba siya worth it? Hindi naman niya ito pinapapili sa pagitan niya at ng pamilya nito. Alam niyang mahalaga kay Charlene ang pamilya nito.

At hindi naman siya nagde-demand ng kahit ano. Ang gusto niya lang ay mahalin siya ni Charlene. Iyon lang. Kahit siya na ang mag-effort sa lahat. Kahit siya na ang gumawa ng paraan upang mapanatili ang relasyon nila. Basta mahalin lang siya nito. Iyon lang naman, e. Is that so hard to ask? Bakit hindi nito kayang ibigay?

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon