CHAPTER 23

2.6K 87 23
                                    

CHARLENE

Binawi niya na ang kamay rito. Ilang beses na siyang nag-sorry kay Zac pero parang hidni naman nito iyon naririnig. Nagpapakumbaba na nga siya ngayon. Dapat ay siya pa nga ang magalit rito. Kahit na nagkamali siya ay wala itong karapatang ipahiya siya at si Paul ng ganoon.

At iyong reaksiyon nito ngayon. 'Di niya maiwasang hindi maguluhan, e. Masyado itong exaggerated. Parang hindi na angkop iyong galit nito sa naging kasalanan niya. Ganoon ba kahalaga ang pupuntahan nila para mag-drama ito ng ganito?

"Saan ba tayo pupunta?" mayamaya ay tanong niya upang putulin ang katahimikan. 'Di niya na alam kung ilang oras na sila dito nakaparada malapit sa The One.

Nilingon niya ito. Nakatingin pa din ito sa labas. Nagtatampo? Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sariling mangiti. Para kasi itong bata.

Ang akala niya ay hindi na talaga ito magsasalita at mabubulok na lamang silang dalawa sa loob ng kotse nito. Pero ilang sandali lang ay may kinuha ito mula sa dashboard. Isang paper bag na may lamang kahon.

Inabot nito iyon sa kanya.

"Ano 'to?" tanong niya nang hindi ginagalaw ang bag na nasa kandungan niya.

"Tignan mo," anito sa mas kalmadong tono.

Sinunod niya ang sinabi nito. Kinuha niya ang box sa loob at nakita niyang cellphone iyon. IPhone 6+.

Agad niya itong tinignan, "Sir Zac!" bulalas niya.

"Sa'yo 'yan. May sim card na 'yan sa loob at naka-save na ang number ko diyan."

Umiling siya, "Hindi ko-"

"Do you want me to get mad at you again?" kalmado muli nitong sinabi. "Because believe me I'm still not done with you yet."

"Sige, sigawan mo na lang ako pero hindi ko talaga matatanggap 'to. Masyado 'tong mahal!" inaabot niya ang cellphone rito.

Bumuntong-hininga si Zac. "Take it. Kahit ibalik mo sa akin 'yan ay hindi ko na kukunin. Sisirain ko na lang 'yan at itatapon ko sa basurahan para wala sa atin ang makinabang."

Rich kid! Peste talaga. Napakamahal ng cellphone na 'to! Sana kahit man lang iyong mumurahing basic phone na lang ang ibinigay nito sa kanya. Iyon, baka natuwa pa siya! Pero ito?

"Kailangan mo 'yan at kailangan ko rin. Hindi puwedeng aalis ka at mawawala at hihintayin na lang kitang bumalik."

"Sige," pagpayag niya. "Pero ibabalik ko din pagkatapos ng ating deal. Tutal hindi naman na natin kailangang mag-usap pagkatapos hindi ba?"

Nakita niya ang paghigpit nito ng hawak sa manibela. Ilang sandali pa ito bago sumagot sa sinabi niya. "Kung iyan ang gusto mo."

Tinignan niya ang box ng cellphone sa kanyang harapan. Inilagay niya iyon sa loob ng bag niya kahit na labag iyon sa kanyang loob.

Nilingon niya itong muli. "Saan nga tayo pupunta?" ulit niya sa kanyang tanong kanina.

"Ewan ko," sumandal na naman ito sa upuan at mukhang tinatamad.

Nagbuga siya ng hangin, "Ano'ng ewan mo? Kaninang umaga lang ay mukhang excited na excited ka."

"Well, thanks for reminding me. Bakit nga pala tayo nagka-aberya ngayon?" sarkastiko nitong balik sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba maka-move on? Ano pa ba'ng kailangan ko'ng gawin? Gusto mo ba'ng lumuhod pa ako dito?"

"Tigilan mo na nga 'yang kakabanggit mo sa pagluhod na 'yan!"

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now