CHAPTER 19

2.1K 86 23
                                    

CHARLENE

Kinakabahan siyang tumakbo mula sa entrance ng condominium building kung saan ang unit ni Zac patungo sa elevator. Huminto siya sa nakasarang pinto ng elevator habang ipinapadyak ang mga paa sa tiled na sahig.

Nilingon niya ang kanyang orasan. It's one pm! Nasisiguro niyang malalagot siya kay Zac ngayon.

Hinatid niya pa kasi si Marco sa school nito kanina. Medyo malayo na kasi ang tirahan nila sa pinapasukan nito at ayaw naman niya na mag-commute ito mag-isa. Hindi tulad noon na nalalakad lang papasok sa school nito.

Pagkatapos mahatid ang kapatid ay sa The One naman siya nagpunta. Nagpaalam siya sa kanyang Ma'am Jas upang mag-leave ng isang linggo dahil na din sa kahilingan ng 'kamahalan'.

Idagdag pa na nakalimutan niya kung saan ang condo ni Zac dahil tulog siya nang pumunta sila dito. Kinailangan niya pang puntahan si Ayen sa presinto upang itanong kung saan nga ito. Wala naman kasi siyang cellphone at mas lalong wala siyang numero nito.

Kaya heto ang resulta.

Nagdarasal na nga lang siya ngayon na sana ay nasa Victoriano's na ito. Siguro naman dahil madalas ganitong oras ay naroon na nga ito. Kahit noong dala-dala pa nito ang date na si Mercedes ay sa Victoriano's lang ito naglalagi.

Mabilis siyang pumasok sa elevator nang magbukas iyon. Pinindot niya ang floor kung saan ang unit nito. Bawat pagtaas ng palapag ng elevator ay parang parusa sa kanya. Ang tindi ng kaba sa dibdib niya.

Nang makarating sa tamang palapag ay napa-sign of the cross na muna siya saka dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan ng unit ni Zac. Humugot siya ng malalim na hininga bago pinihit ang door knob.

"You're late."

Napalundag siya at napahawak sa dibdib nang marinig ang pamilyar na baritonong tinig na 'yon. Agad niyang nilingon si Zac. Naka-puting t-shirt ito,itim na short pants at sumbrero habang nakasandal sa dingding at nakahalukipkip.

Hindi siya iyong tipo na agad napapansin ang kaguwapuhan ng isang lalaki. Hindi din siya hayok sa mga guwapo at agad na maglulupasay kapag nakakita ng isa.

But Zac is so hot right now that she just found herself staring at him. At kung siguro ay mahina lang ang tuhod niya ay napaluhod na siya. Nag-iwas siya ng tingin. She's not immuned to his charms after all.

May babaeng parte pa rin sa kanya ang humahanga sa pisikal nitong anyo.

"Hey, I'm talking to you. Look at me."

Pero hindi niya magawa. Ano ba naman 'yan Charlene! Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya ito masalubong ng tingin.

Tumikhim siya, "S-Sorry, galing kasi ako ng The One. 'Tsaka, naligaw ako papunta dito."

"Reasons. Do you think I believe that lame excuse of yours?"

Bumuntong-hininga siya saka tumingin dito. Tama 'yan. Ipakita mo ang masama mo'ng ugali, Zac, at magkakasundo tayo.

"Sorry," ulit niya. "Ano, luluhod pa ba ako?"

Natigilan ito at napakurap. "Lulu...Luluhod?" napatuwid ito ng tayo. "Ba...bakit ka l-luluhod?"

Hala siya. Ano namang nangyari dito ngayon at nautal ito? Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Luluhod para humingi ng sorry! Ano'ng iniisip mo?" Bastos ng utak ang putek!

Bahagyang napaawang ang bibig nito. Pulang-pula ang mukha. Kung hindi niya lang mahal ang buhay niya at itong 'trabaho' niya ay kanina pa siya sumalampak sa sahig at nagtatatawa. Ang epic ng reaksiyon nito!

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now