CHAPTER 6

1.9K 85 14
                                    

ZAC

Nagmulat siya ng mata sa isang 'di pamilyar na lugar. Nagising siya dahil sa sinag ng araw na lumulusot mula sa kurtina ng kuwartong iyon. Kinusot niya ang mga mata. Agad na pumitik ang kanyang sentido.

He's been in New York for two weeks. Ngayon ang flight niya pabalik ng Manila but he's here, suffering a hangover, after a wild night out last night. Ibang klase ang mga New Yorkers niyang kaibigan kapag nagyaya ng inuman.

Naupo na siya. Hinihilot niya pa ang sentido nang mapansin na wala siyang damit pang-itaas...at pang-ibaba. Nilingon niya ang kanyang tabi at napabuntong-hininga na lang nang may makitang hubad na babae sa kanyang tabi.

So, much for listening to his Ate Ayen. Pagdating niya dito sa New York ay ganoon pa din ang ginawa niya. Party. Booze. Girls. Paulit-ulit iyon gabi-gabi dahil wala naman siyang ginagawa dito sa New York. Might as well enjoy his vacation.

Gumalaw ang babae sa kanyang tabi. Nilingon niya ang blonde saka tumayo at nagtungo sa banyo. Hindi niya alam kung saang hotel sila nag-check in. He's too intoxicated with alcohol to even notice.

Nainis siya dahil kailangan niya pang ulitin ang damit. If there's something he hates other than clingy and crazy women, it's now wearing new and fresh clothes after taking a bath.

Nakabihis na siya nang magising ang babae. Her eyes were green and pretty. Napakatangos ng ilong at maganda ang porma ng labi. Ibang klase talaga ang ganda ng mga Amerikana.

"You're leaving already? Why don't we just stay here for a while," the girl said seductively.

Her name's Eva. Kagabi niya lang ito nakilala. Common friend nila ito ng Pinoy niyang kaklase noong high school na dito na sa New York naka-base.

"I need to leave early for my flight," he said while buttoning his shirt.

Nalungkot ang mukha ng babae. "Oh, you're going home today? Why didn't you tell me?"

Because I don't have to, ngunit pinigil niyang sabihin. "Sorry."

Pinilit niyang ngumiti ng malungkot na parang kahit siya ay apektado dito. Akala niya ba ay ayos lang sa mga foreigner ang casual sex? Bakit kung makapagsalita ito at makatingin sa kanya ay parang nasaktan niya ito ng sobra.

"Are you coming back?" tumayo ito habang hawak ang kumot para takpan ang katawan. "Are we going to see each other again, Zac?" she sounds hopeful.

But he has to kill that hope before it causes him another trouble again, "I don't know. Maybe? But I'm pretty sure that I'll be back here. I have a lot of friends here."

"And you have me too," ngumiti ito saka siya binigyan ng halik sa labi. "I'll be waiting for you, Zac."

Ngumisi siya saka kinuha na ang ilang gamit at iniwan ito doon. He's not coming back for her, though. Hindi siya pang-seryoso at stable na relasyon. Dalawang bagay lang ang habol niya sa mga babae. Companion or sex.

Umuwi na muna siya sa kanyang flat para muling maligo at makapagpalit ng damit. Hindi niya na kailangan pang mag-impake dahil hindi naman niya tuluyang inalis ang mga gamit mula sa maleta.

Sa may airport pa lang ay tinatawagan na siya ng mga kapatid. Lalo na ang kanyang Ate Ayen.

"Hello," malamig niyang bati rito sa kabilang linya.

"Oh, finally, nagpa-contact ka rin," masungit naman ang boses nito. "Saan ka magi-stay pag-uwi mo?"

"In my condo, of course," hindi niya alam kung bakit pa nito tinatanong iyon. "D-Did you tell them?" sinadya niya kasing patayin ang phone niya para hindi ma-contact ng mga ito.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now