CHAPTER 18

1.8K 93 11
                                    

CHARLENE

Nakapameywang siya habang nakatingin sa condo ni Zac na kakalinis niya lang. Maayos na ito ulit matapos nitong sadyaing guluhin kanina. Speaking of that guy, saan na kaya ito? Nagpaalam ito kanina na aalis. Binalaan pa siyang huwag nang magbalak magnakaw.

Ang sakit talaga magsalita no'ng lalaking iyon. Mabuti na lang at wala siyang mood na mag-drama ngayon. Inisip niya na lang na mas maganda na iyong ganito. At least, mas may silbi iyong binabayad sa kanya ng kapatid nito.

Inabala niya na lang ang sarili sa pagmamasid sa condo nito. Dito pala siya nakatira. Ito lang kaya mag-isa dito?

Nilingon niya ang picture frame na nasa ibabaw ng cabinet. Puno ng family picture doon. Iyong isa ay halatang matagal na dahil sa itsura. May apat na bata doon. Tatlong babae. Iyong nag-iisang lalaki ay kalong ng magandang babae na may magaan na ngiti.

Iyon siguro ang ina ni Zac. Nasaan na kaya ito ngayon? Iyong lalaki naman ay seryoso ang itsura doon pero makikita mo ang saya sa mga mata. Kahawig ni Zac ang ama nito. May makapal na kilay, mapungay na mga mata at buong labi.

Sa ibang picture ay puro ang magkakapatid na Jalbuena na lamang.

Si Ate Karen na kita ang pagkakaroon ng malakas na personalidad sa larawan. Iyong panganay na si Ate Camille na may mainit na ngiti na katulad ng sa kanilang ina at iyong pangalawa sa magkakapatid na si Ate Viv na kita ang pagiging elegante sa postura.

Hinaplos niya ang larawan ng masungit na amo na nasa gitna ng magaganda nitong mga kapatid na babae. Lumaki si Zac na magandang lalaki. Silang lahat ay pawang may mga itsura.

Wala ba itong picture ng girlfriend nito? Kung sabagay, baka magmukhang collage iyon sa dami. Napakadami pa namang babae ng amo niyang iyon.

Nang magsawa sa pagtingin sa larawan ay naupo na siya sa sahig habang nakasandal ang likod sa sofa. Baka kasi maabutan siya nitong nakaupo sa sofa at ma-beastmode na naman.

Nilingon niya ang orasan. Alas-dos na at hindi pa siya kumakain. Wala pa rin ito. Ang sabi pa naman nito ay huwag na huwag siyang aalis doon hangga't hindi ito dumadating. Pero paano naman ako kakain?

Bumuntong-hininga siya. Bahala ito. Kailangan niyang kumain kung hindi ay mamamatay siya.

Inalis niya ang kanyang sapatos at ang suot na medyas saka nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang ref upang tumingin ng pagkain. Pero walang pagkain. Puro tubig lang ang nandoon at beer.

Tumingin siya sa cupboard ng de lata o kahit noodles man lang pero wala rin. Nagbuga siya ng hangin, "Ano ba namang klaseng bahay 'to!" singhal niya na parang kaharap lang ito.

Sa huli ay kumuha na lang siya ng baso at binusog ang sarili ng tubig. Itinatak niya na sa isip na kinabukasan ay magbabaon na siya ng pagkain kapag pupunta dito sa bahay nito.

Nang mabusog na sa tubig ay bumalik siya sa kanyang puwesto sa sahig. Itinukod niya ang siko sa sofa at ipinatong ang ulo niya sa kamay. Maya-maya lang ay nakaramdam na siya ng antok.

Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sariling matulog.

Hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas. Basta ay nagising na lang siya sa mga kalabog na nadidinig niya mula sa kusina. Nag-angat siya ng tingin doon at nakita niya na si Zac. Sa wakas.

Tumayo na siya. Ngayon niya lang napansin na nasa sofa na siya nakahiga. Hindi lang iyon. May unan at kumot din doon. Siya ba ang naglabas no'n? Siguro. Hindi niya na maalala.

"Puwede na ba ako'ng umuwi?" tanong niya habang palapit dito.

"Pinauwi na ba kita?" sagot nito habang nananatiling nakatalikod sa kanya.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now