CHAPTER 5

1.9K 79 4
                                    

CHARLENE

Natanggap na siya sa trabaho.

Ang sabi sa kanya no'ng Zac ay tanggap na siya at simula bukas ay maaari na siyang magsimula. Sa kasiyahan niya ay nangitian niya tuloy ang masungit at antipatikong iyon.

'Di bale na. Ang mahalaga ay may trabaho na ulit siya.

Umuwi na siya sa kanila. Hindi siya natatakot na umuwi ng gabi sa baranggay nila dahil kilala naman na siya doon at may tanod na lumilibot tuwing gabi. Madilim na ang bahay nang dumating siya.

Tulog na ang Tatang at mga kapatid niya. Maga-alas onse na rin kasi ng gabi. Naging maingat siya sa pagkilos para hindi niya mabulabog ang mga ito. Binuksan niya ang pagkain sa may mesa.

Marami-rami pa ang kanin pero kaunti na lang ang ulam na mackerel na ginisa sa kung ano'ng dahon. Ngumiti siya. Kapag mahirap ka dapat talaga ay madiskarte ka sa ulam.

Umupo na siya at hindi na inabala pang kumuha ng plato. Sa gutom niya, doon na siya mismo sa kaserola kumain. Halos isiksik niya ang pagkain sa bibig. Ni meryenda kasi ay hindi siya nakakain kanina.

Napaluha na lang siya habang ngumunguya. Para siyang sira. Wala namang nakakaiyak pero naluluha siya. Hindi pa man tuluyang nalulunok ang pagkain sa bibig ay sumubo na naman siya.

Nilingon niya ang kanyang pamilya. Ang hirap ng buhay sa Pilipinas. Pagod na pagod ka na pero maliit lang ang kinikita niya. Kaya kung may pagkakataon talaga siyang makaalis ng bansa susunggaban niya.

Susunggaban niya ang kahit na ano'ng oportunidad para lang maiahon ang kanyang pamilya.

Maagang pumasok si Charlene sa kanyang trabaho kinabukasan. Hindi niya bibiguin ang Zac na 'yon na nagpasok sa kanya rito. Gusto niyang ipakita sa lalaking iyon na kahit nagmukha siyang oportunista nang hingin ang trabahong ito ay pagta-trabahuan niya ng maigi ang ipapasuweldo nito sa kanya.

Pinagtinginan siya ng ilang staff sa kitchen nang magtungo siya roon. Nagtataka ang mga mukha ng mga ito. Tama nga ang sinabi ni Eda sa kanya, wala siyang nakikitang mukhang dalaga sa mga ito.

Mukhang mga mother of five ang mga babae.

Ang tanging nakangiti lang nang pumasok siya ay si Chef Archie.

Hindi pa nga siya nito pinag-trabaho kaagad kahit na may mga kailangan nang hugasan. Niyaya siya nitong mag-kape sa kitchen kahit abala na ang lahat sa pagluluto para sa pagbubukas ng restaurant mamaya.

"So, may boyfriend ka na?"

Napasimsim siya ng kape sa tanong nito. Is he hitting on her? Alam niya ang ganitong salita at tingin kahit wala pa man siyang experience na magka-nobyo.

"Wala po, Chef," nilingon niya ang patong-patong na hugasin. "Ah, pwede na ho ba ako'ng mag-trabaho?"

Nilingon din ni Chef Archie ang lababo, "Mamaya na. I'll just ask Hans to wash those. Bakit ka ba kasi ginawang dishwasher ni Zac? Baka masira ang makinis mo'ng kamay."

Hahawakan sana nito ang kamay niya ngunit pasimple niya iyong iniwas. Nagpanggap siyang inaayos ang bandana sa kanyang ulo. "Ito na ho ang trabaho ko noon pa kaya sanay na 'ko."

"But still. Kung ako ang masusunod, gagawin kitang sous chef."

"Hindi naman ho ako nakatapagtapos."

"Hindi mo naman kailangan na may tinapos. Basta mahilig at marunong kang magluto."

"Hindi po kasi ako mahilig magluto," sagot niya na may ngiting-aso na. She's eager to do her job.

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now