CHAPTER 3

2.2K 68 1
                                    

CHARLENE

"Pasensiya na talaga, Charlie. Alam kong kailangan na kailangan mo ng trabahong ito. Kaya lang nalubog na talaga kami sa utang kaya hindi na makakapagpatuloy ang operation nitong restaurant."

Gusto pa sana niyang umalma kay Eda. Ang kaso ay kita niya na nalulungkot din ito at nahihirapan sa sitwasyon. Natural lang na mas masaktan ito dahil ito naman ang may-ari ng restaurant na iyon.

Kaya lang kasi bakit ngayon pa?

Kailangang-kailangan niya ng pera dahil nauubos na ang pang-maintenance na gamot ng ama niyang na-stroke. Kailangan niya din ng pangbili ng gamot ng kanyang Kuya Ryan na epilepsy. Kapag hindi pa naman ito nakakainom ng Trileptal ay madalas atakihin.

Nanghihingi pa sa kanya ang bunsong kapatid na si Marco ng pang-field trip nito sa susunod na linggo. Wala pa man ding masyadong raket sa ngayon. Singer kasi siya na madalas imbitahan sa lamay, birthday o kaya naman fiesta.

"Wala ka bang alam na maaari kong pasukan, Eda?" aniya habang tinutulungan itong ayusin ang mga silya at mesa. Tatlo na lang silang empleyado ang natitira doon.

"Meron. Ang kaso ay nasa Makati Area. Restaurant din."

"Makati?" Ayos na din siguro kahit doon. Isang bus lang naman iyon o kaya'y MRT mula dito sa Mandaluyong. Nilingon niya ito. "Sige. Ayo slang kahit na sa Makati."

"Sigurado ka? 'Di ba may trabaho ka pa sa gasolinahan kapag alas-otso? Hindi ka ba mahihirapan niyan sa biyahe?"

"Hindi naman masyadong matagal iyong b'yahe. 'Tsaka sigurado namang bago mag-alas otso ay nasa bahay na ako. So, saang restaurant nga?"

Ilang sandali siya nitong tinitigan, "Maghanap ka na lang kaya dito sa area'ng ito ng mapapasukan? Mahihirapan ka talaga kapag doon ka pa sa malayo, e."

Napa-ngiti siya. Eighteen pa lang siya ay dito na siya nagta-trabaho. Kaya naging malapit na siya kay Eda at sa nanay nito na orihinal na may-ari ng restaurant. Sayang nga ito, e. Ang ganda sana ng kita kung hindi lang talaga nagca-cancer ang ina ni Eda.

"Ayos nga lang."

"O, sige ikaw ang bahala. Isusulat ko lang. Hintayin mo ako dito."

Tinanguan niya ito at ipinagpatuloy na ang paglilinis sa lugar. Hindi din naman nagtagal ay bumalik na si Eda. May dalai tong kapirasong papel kung saan nakasulat ang iba't-ibang restaurant na maaari niyang pasukan sa Makati. Marami-rami din iyon.

"Hiring ang mga iyan noong last kong mag-check. Waitress, janitress, dishwasher mga gano'ng trabaho."

Ibinulsa niya ang papel sa kanyang pantalon. "Ayos na 'yun."

"Mayroon pa ako'ng alam na restaurant na maganda magpasahod. 'Yung sa...Victoriano's. Guwapo pa may-ari niyan," kinikilig na sabi nito.

Kinurot niya ito sa tagiliran. Agad na napangiwi si Eda sa kanyang ginawa, "Kailan ka pa namilipit sa kilig dahil sa isang lalaki, ha? 'Tsaka may boyfriend ka na, a."

"Ito naman. 'Di ba pwedeng nakaka-appreciate lang ng God's gift to women?" ismid nito sa kanya. "Pero true nga. Guwapo si Chef Zac. Minsan nang lumabas sa TV iyon, a. Guest Chef siya sa Kris TV last month. Naku, kahit si Kris at Darla kinilig do'n e."

"Paano naman ako makakanood no'n wala naman kaming TV?"

Ngumiti ng alanganin si Eda, "Ay, oo nga pala. Sorry."

"At kahit may TV kami, hinding-hindi ako mag-aaksaya ng oras na tumunganga sa screen para lang sa isang guwapong kusinero. Magta-trabaho na lang ako. Kikita pa ako ng pera."

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now