CHAPTER 20

1.9K 71 7
                                    


CHARLENE

Alas-nuwebe na at hindi pa din humuhupa ang mga taong nag-aabang ng masasakyan sa gilid ng kalsada. Mabuti na nga lang at kahit paano'y humina na ang buhos ng ulan. Halos ambon na lang ito ngayon.

Naki-abang na siya sa mga sasakyan. Kung hihintayin niya pang mabawasan ang mga taong umaasang makakasakay ay baka abutin na siya ng kinabukasan. Sobrang late na nga siya kanina pagpasok hanggang pag-uwi ba naman ay male-late pa rin siya?

Ah, Charlene...late ka na talaga.

Napabuntong-hininga siya habang mahigpit ang yakap sa sarili. Napabahing na din siya. Siguradong sipon o lagnat ang aabutin niya nito mamaya.

"Charlene!"

Napalundag siya nang marinig ang pangalan niya na isinisigaw ng kung sino. Inilibot niya ang tingin upang mahanap kung sino 'yon.

"Charlene! Dito!"

Huminto ang kanyang mga mata sa lalaking kumakaway. Napa-ngiti siya nang malapad nang makita niya si Paul. Naka-ngiti din ito habang patakbong lumalapit sa kanya.

"Paul!" excited niyang sigaw sabay salubong dito.

Nag-apir silang dalawa, "Oy, saan na kayo nakatira? Wala na daw kayo doon sa inuupahan niyo?" pambungad nito kaagad.

Ngumuso siya, "Oo, e. Hindi na kasi nakakabayad ng renta. Pero may bahay na kami ulit, nasa Sta. Mesa."

"Sta. Mesa? Paano kayo nakarating do'n."

"Mahabang kuwento," simple niyang sinabit. "O, teka, bakit ka nga pala nandito?"

Ngumiti itong muli, "Ah, nagbi-biyahe na kasi ako ng taxi ngayon. Iyong kay Tito Jose, nagka-sakit kasi siya kaya ako muna ang pumapasada. Nakita kita kaya ipinarada ko na muna doon iyong taxi." Itinuro nito ng hinlalaki ang taxi na nasa parking area sa tapat ng grocery store.

Tumango-tango siya.

"Pauwi ka na ba?" tanong ni Paul sa kanya. "Ihatid na kita tutal pauwi na rin naman ako, e. Libre lang kasi na-miss kita."

Tumawa siya sa sinabi ni Paul. Paano ba naman, e, simula yata pagkabata ay magkakilala at magkasama na silang dalawa. Parang kapatid na nga niya ito, e. "Nangbola pa 'to. Sige na, sasakay na ako sa taxi mo. Mahirap din kasing maghanap ng masasakyan ngayon dahil umulan kanina ng malakas."

Nilapitan niya ang mga grocery bags na iniwan niya sa shed, "Patulong na lang ako, ha."

"Binili mo lahat ng 'to?" tanong nito habang binubuhat ang tatlong plastic at kinukuha pa iyong isa mula sa kanya. "Ako na lahat."

"Hindi na. Masyadong mabigat. Itong dalawa na sa akin," iniwas niya ang dalahin saka naglakad patungo sa taxi. "Pinabili ako ng 'amo' ko. Inabutan na ako ng ulan, e." sagot niya sa una nitong katanungan.

Ibinaba ni Paul ang mga grocery bags saka binuksan ang compartment ng taxi nang makalapit sila, "Namamasukan kang katulong?" Ipinasok na nito ang lahat ng grocery bags doon.

"Oo, e."

Tumingin si Paul sa kanya sa kalagitnaan ng pag-aayos nito ng mga pinamili niya sa likuran ng sasakyan. Seryoso ang mukha nito.

Tinaasan niya ito ng kilay, "Bakit?" natatawa niyang tanong.

Umangat lang ang gilid ng labi nito saka umiling. "Grabe naman iyong amo mo. Inaasahan niya bang makakaya mong dalhin ang lahat ng ito mag-isa? Hindi ka man lang sinamahan."

OPLAN: Find a Girlfriend for ZacWhere stories live. Discover now