🐺 Chapter 1 🐺

16.5K 479 37
                                    

''Damn it!!!'' malakas niyang ibinagsak ang telepono pabalik sa lagayan nito, hindi na siya magugulat kung nasira niya 'to, ilang telepono na nga ba ang nasira niya....sa dami ay hindi na niya mabilang kung ilan.

Napasandal siya sa kaniyang swivel chair saka hinilot ang kaniyang sentido.

Kakatawag lang ng Alpha ng Diamond Pack isa sa mga kaalyansa niya. Sinabi ni Alpha Zack na inatake sila ng grupo ng mga Rogue at marami sa kaniyang mga warriors ang namatay, binigyan siya ng babala nito na mag iingat at pag igtingin pa ang pag babantay sapagkat mas lalong dumarami ang mga Rogue na umaatake. Hindi man malalakas na uri ng wolf ang mga Rogue ay dinadaan naman nila sa dami at biglaan ang kanilang mga pag atake. Gaya noon.

Halos dalawang buwan na niyang pinoproblema ang biglaang pag atake ng mga ito. Bigla na lamang itong dumami at kung umatake ay grupo kaya tingin niya ay may namumuno sa mga ito.

Tila kumukulo ang kaniyang dugo kapag nababalitaan niyang may mga napaslang ang mga mababang uri ng lobo na iyon.

Kinamumuhian niya ang mga walang kwentang nilalang na iyon, kung hindi dahil sa uri nila ay hindi mapapaslang ang kaniyang lolo Alex. Namatay ito dahil sa pag tatanggol sa kaniya sa pitong Rogue na bigla na lamang umatake ng siya ay sampung taon pa lamang.

Naalala niya ang panahon na iyon, pinilit niya ang kaniyang lolo na mamasyal dahil abala ang mga magulang niya at kakapanganak pa lamang ng kaniyang ina sa kaniyang naka babatang kapatid.

At dahil paborito siya ng kaniyang lolo ay walang tangging sinamahan siya nitong mamasyal.

Habang nasa kagubatan malayo sa kanilang pack ay bigla na lamang nakaramdam ng panganib ang kaniyang lolo, hinawakan siya nito at tinahak ang pabalik sa kanila ng biglang lumabas ang pitong Rogue na nasa kanilang anyong wolf, agad siyang itinago ng kaniyang lolo sa kaniyang likuran habang nakiki pag angilan ito sa mga Rogue.

At dahil musmos pa siya ng panahong iyon ay wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak habang nakikipag laban ang kaniyang lolo. Unti-unti ay namatay ang tatlo sa mga Rogue, hindi makikitaan ng pagod noon ang kaniyang lolo kaya naman alam ko na mananalo siya sa mga Rogue na iyon dahil na kilala siya noon na pinaka malakas na Alpha.

At tila alam na ng mga Rogue na hindi sila mananalo kahit pa sabay-sabay silang sumugod. Kaya naman gumawa sila ng paraaan upang mawala ang konsentrasyon ni lolo.

Ang isa sa kanila ay tumakbo palapit sa akin at akmang sasakmalin ako. Napa pikit na lang ako non at hinintay na maramdaman ang sakit ngunit hindi iyon dumating. Pag mulat ko ay nakita kong kagat ni lolo sa leeg ang Rogue na dapat ay aatake sa akin.

Ngunit pag lingon ko sa likod ng aking lolo ay nakita ko ang tatlo pang Rogue na sabay-sabay aatakihin si lolo.

Sumigaw ako noon upang balaan siya ngunit huli na.

Pag lingon niya ay nasakmal ng isang Rogue ang kaniyang leeg, ganoon din ang kaniyang binti at batok.

Yun ang araw na hindi ko malilimutan, ang masaksihang karumal-dumal na pag patay sa mahal mong lolo.

Ng mapatay ng mga Rogue ang aking lolo ay ako na sana ang isusunod nila, Ngunit hindi iyon natuloy sapagkat dumating ang ama ko. Hindi ko masisi ang aking ama dahil sa huli nilang pag dating, ako ang may kasalanan kung bakit napalayo kami sa aming pack. Kung hindi sana ako noon nangulit na mamasyal ay hindi mangyayari ang ganoon sa aking lolo.

Napatay man ang mga Rogue ng araw na ding iyon ay hindi nawala ang poot ko sa uri nila. Simula noon ay tumatak sa akin na walang Rogue akong bibigyan ng awa. Lahat sila ay papatayin ko sa paraang mas matindi pa sa ginawang pag paslang sa aking lolo.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now