🐺Chapter 21🐺

7.7K 252 23
                                    

Maagang update for you guys 😄

ginasulat & JohnMarAguilar

not edited

☞☜☞☜☞☜☞☜

Agad akong bumangon ng maramdaman na naman na tila hinahalukay ang aking sikmura.

Tinakpan ko ang aking bibig saka tumakbo papunta sa naka bukas na banyo.

Nang makapasok ay agad kong inilabas ang mga kinain ko kagabi.

Agad sumunod si Jacob at hinawakan ang aking buhok, habang hinihimas ang aking likuran.

''Dapat ay mag patingin ka na kay Gabriel, ilang araw ka ng nag kakaganyan.'' bakas sa tinig ni Jacob ang pag aalala.

Tumayo ako saka tinungo ang maliit na sink upang mag mumog.

Pag tingin ko sa salamin ay nakita ko kung gaano nag aalala si Jacob para sa akin. Wala itong suot bukod sa boxer shorts niya kaya naman kita ang napaka gandang katawan nito.

Ngumiti ako sa kaniya.

''Sige, mamaya mag papatingin na ako.'' pag sisinungaling ko, dahil ang totoo ay kahapon pa ako nag punta sa aming pack doctor at nalaman ang dahilan kung bakit tuwing umaga ay nakakaramdam ako ng mga kakaibang bagay.

Kinuha ko ang aking toothbrush saka nag sipilyo upang matanggal ang di kanais-nais na lasa sa aking bibig.

Pag tapos ko ay naroroon pa rin si Jacob sa aking likuran na matamang naka titig sa akin.

Hinawi ni Jacob ang aking buhok at ipinatong iyon sa aking kaliwang balikat.

Tinitigan niya ang aking marka na kaniyang ginawa. Saka niya ako niyakap mula sa likuran.

'' Mahal na mahal kita.'' bigla niyang saad na nag pa bilis ng tibok ng aking puso.

Kahit na mahigit isang buwan na matapos ang seremonya ay ganito parin ang epekto niya sa akin.

''Mahal na mahal din kita Jacob.'' buong pag mamahal kong saad.

Hinalikan niya ang marka na nasa pagitan ng aking leeg at balikat.

Agad dumaloy ang kakaibang kuryente sa aking katawan ng gawin niya iyon.

Naging malikot na ang kaniyang kamay kaya naman pinigilan ko ito.

''Jacob! naka ilan ka na kagabi ha, utang na loob tantanan mo na ako.'' natatawa kong saad.

Natawa rin si Jacob saka sumubsob sa aking balikat upang itago ang kaniyang pag tawa.

Nang mahimasmasan na siya ay muli niya kong tiningnan sa salamin.

''Last na 'to, please.'' tila isa itong maamong tupa kung maka pag request.

I rolled my eyes.

''Isa na naman? kagabi yang kaka isa mo inabot na tayo ng madaling araw.'' saad ko, kunyari ay galit ako.

Lalo niyang pinalamlam ang kaniyang mata na tila nag mamaka awa.

''Jacob hindi mo ko madadaan sa pa ganyan-ganyan mo. Dahil ang huling naalala ko nung maawa ako sa mga mata na yan, kinabukasan halos di ako makalakad.'' aniya na ikinatawang muli ng kaniyang mate.

''Nakaka gigil ka kasi.'' bahagya pa niyang kinagat ang aking balikat.

Tinapik ko ang kaniyang noo saka lumabas ng banyo.

''Puro kalokohan.'' naiiling kong saad.

Bigla na lang niya akong dinamba mula sa likod at mabuti na lang ay naka balanse ako.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now