🐺Chapter 28🐺

8.6K 281 55
                                    


Hi ginasulat, thank you sa makapag bagbag damdamin mong comments :)

lynlaresma, JhenilynFlores and karshaine hello 😚

At sa mga silent readers thank you kahit na silent kayo ehh readers ko pa rin kayo. Ano raw daw?

✦✧✦✧✦

Ria's Pov

Isang buong araw pa akong pinanatili sa clinic upang matiyak na tuluyan ng nag hilom ang aking mga sugat.

Sa isang buong araw na 'yon ay maraming bumisita sa aking miyembro ng pack.

Ang ilan sa kanila ay alam na ang aming sitwasyon ng kanilang Alpha. Sinabi nila na ako lang ang kanilang nag iisang Luna at wala ng iba pa, na talagang nag pataba sa aking puso.

Sa dami ng dumalaw sa akin ay ni hindi man lang ako naisipang bisitahin ni Jacob.

''S-si Jacob?'' tanong ko kay Jenna na kasalukuyang umaalalay sa akin palabas ng clinic.

Ngayon din ang araw ng alis ko patungong Rainforest pack.

Bumuntong hininga siya saka malungkot na tumingin sa'kin.

''Kaninang umaga ay umalis siya kasama sina Clifford at Bryan, may importante raw silang meeting na kailangang daluhan.'' saad niya.

''Ah, ganon ba.'' pilit akong ngumiti saka tumingin sa ibang direksiyon.

Hindi man lang niya ako nagawang bisitahin bago umalis.

Sabagay ano pa ba ang aasahan ko? na darating siya at hihingi ng tawad at sasabihin niyang naaalala na niya ako?

Dapat nga ay hindi ako ng hihinayang na hindi ko na siya nakita, kaya lang siguro siya ang nag dala sa akin sa Clinic ay dahil kahit kaunti ay nakonsensya siya.

Pag labas namin ay naroroon na sina Mama at Dad, maging si Chloe ay naroroon at panay ang iyak.

''Ate.'' tumakbo siya sa direksyon ko saka yumakap sa akin.

''Wag ka ng umalis pakiusap, ayoko sa Lucy na 'yon.'' tumingala siya sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya habang tinititigan ko ang kaniyang mga mata.

Natuwa kasi siya ng dumating ako sa buhay nila, nag karoon daw siya bigla ng mapag mahal na ate.

''Pasensiya na Chloe pero, delikado-'' delikado ako sa Lucy na 'yon.

Yun sana ang gusto kong idugtong ngunit nag kausap na kami ni Melvin na maiging wala silang alam sa tunay na nangyayari upang hindi manganib ang kanilang buhay.

Ang sabi sa akin ni Melvin ay mag tiwala lang ako sa kaniya, at hindi niya raw palalampasin ang ginawa ng babaeng 'yon sa akin. Ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon dahil may kailangan pa silang malaman.

At kung sino mang 'sila' ang tinutukoy niya ay hindi na niya ito sa akin sinabi pa.

Nanahimik na rin ako dahil talagang may kakaiba sa babae na 'yon.

''Delikado kasi ang pamangkin mo dahil kami ang pakay ng mga Rogue na sumasalakay dito sa pack. Mas ligtas ako sa pack nina Melvin dahil hindi nila iisipin na naroroon ako.'' saad ko saka pinunasan ang kaniyang luha.

Hindi siya umimik saka marahang tumango na lang.

Pag tingin ko ay may luha na rin ang mata ni Aphrodite kaya ako na ang lumapit sa kaniya at niyakap siya.

Nang matapos kaming mag yakapan ay tiningnan niya ako ng malungkot.

''Ria, anak, pakiusap wag kang sumuko.'' saad niya.

My Mate is A Rogue (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang