🐺Chapter 6🐺

11.2K 333 16
                                    

greenscarf1316
MarrygracePausal8
IndhayPoringuez

ito na guys... enjoy :)

not edited...bangag po ako ng isulat ko to saka ko na aayusin ahh

BABALA: maaring may maseselang tema, lengguwahe,karahasan sekswal, horror at droga ang hindi angkop sa mga bata.

---

Jacob's Pov

Agad akong dumiretso patungo sa aking opisina matapos ang aking hapunan, hindi ko na kaya pang mag tagal sa presensiya ng rogue na iyon.

Pag ka pasok ay pumunta ako sa tapat ng bintana at pinag masdan ang malawak na kalangitan na nababalutan ng makikinang na bituin.

Napa buntong hininga ako dahil laging pumapasok sa isip ko ang babae na iyon.

''F*cking mate's pull!'' madiin kong ikinuyom ang aking mga kamao.

Bakit sa dinami-dami ng she-wolf o hindi kaya ay kahit na tao ay ayos lang sa akin, bakit sa isang Rogue pa siya ipinares ng moon goddess.

Talagang sa nilalang na kinasusuklaman pa niya.

Biglang bumalik sa isip niya ang kaninang pag luha ni Ria.

Gustong-gusto niyang siya ang umalo at yumakap dito ngunit sa tuwing naalala niya na isa itong Rogue ay galit ang pumapalit sa kaniyang puso.

''She's you're mate, baka naman pwedeng excempted na siya sa galit mo sa mga Rogue.'' Bryan said.

Bigla na lang sumulpot ang kabote niyang Beta.

''Tss. kahit pa mate ko siya hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na isa siyang Rogue!'' may diin kong saad saka ko siya nilingon.

''Jacob alam ko kung ano yang pinag huhugutan mo-'' agad kong pinutol ang kaniyang sinasabi ng ihampas ko ng pag kalakas ang aking kamao sa lamesa kaya naman nahati ito sa gitna.

Agad naman nitong iniangat ang dalawang kamay sa ere na tila sumusuko.

''Chill! lang bro, ikaw naman masyado kang HB.'' he said while shaking his head.

Naupo ako sa aking swivel chair at tiningnan siya ng masama.

''Hindi ang babae na iyon ang pag uusapan natin kung hindi ang pag atake bukas sa kuta ng mga mababahong Rogue na iyon.'' I said, nasasabik ako na wasakin ang pinag kukutahan ng mga nilalang na iyon malaki ang posibilidad na ito ang mga Rogue na bigla na lang umaatake sa mga pack nitong mga nakaraang araw.

''First of all, Ria ang pangalan ng babaeng tinutukoy mo'' tinapunan ko siya ng nakamamatay na titig.

''And second dapat nga nating pag usapan ang pag atake bukas, bale mga anong oras tayo susugod kapatid?'' saad nito.

Kung hindi ko lang kaibigan ang isang ito ay kanina ko pa ito ibinaon sa sahig.

''Nag mind link na ko na sa mga pack warriors na sasama bukas, nasa training field na silang lahat doon ko sasabihin kung anong oras ang pag atake.'' tumayo agad ako at nilagpasan ang naka nganga kong beta.

''Eh bakit mo pa ako pinapunta dito aber?'' saad nito naka sunod na ito sa akin ngayon.

''Gusto kong bantayan mo ang babae na iyon bukas wag mong aalisin yang mata mo sa kaniya'' napahinto ako ng bigla itong napa singhap na parang isang babae.

''Sh*t! nag aalala ka na sa kaniya!'' pag lingon ko ay madrama pa nitong tinakpan ang kaniyang bibig.

''G*go! wala akong tiwala sa babae na iyon kaya pinapabantayan ko siya sa iyo!'' saad ko saka muling ipinag patuloy ang pag lalakad.

My Mate is A Rogue (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang