🐺 Chapter 4 🐺

11.6K 363 11
                                    

Naka titig lamang ako sa mga kamay ko na nakapatong sa aking hita ni hindi ko magawang mag angat ng tingin dahil alam kong lahat sila ay sa akin naka titig.

Nang maamoy ng iba ang aking scent ay nag si datingan pa ang ibang mga bantay ng Black Wolf Pack tiyak na nasasabik sila sa gagawing pag paslang sa akin ng kanilang Alpha.

''Ano naman kaya ang gagawin sa kaniya ng ating Alpha?'' nadinig kong tanong ng isa.

''Tss. malamang gaya ng ginawa ng Alpha sa isang Rogue na nahuli niya nung isang linggo, binalatan ng buhay pero bago iyon ay binali muna halos lahat ng buto nito. Kaya malamang kung hindi ganoon ay baka mas matindi pa ang gagawin ng Alpha natin sa rogue na iyan!'' ng madinig ko yon ay tila gusto kong masuka.

Babalatan ng buhay? babalian ng buto? ni hindi ko ma imagine ang tindi ng sakit na daranasin ko.

''Sayang ang gandang rogue pa naman nito, bakit di kaya natin i-suggest sa Alpha na pag sawaan muna natin ang babae na ito bago niya patayin?'' gusto kong sapakin sa mukha yung nag salita,  mas mabuti pang balatan ako ng buhay at balian ng buto kaysa ang babuyin nila.

''Mag si tigil kayo! alam niyong hindi pinapayagan ng Alpha natin ang ganoong bagay!'' galit na saad ng Beta, naka hinga naman ako ng maluwag dahil kahit papano ay hindi nila gagawin sa akin ang bagay na iyon.

Nang matahimik ang lahat ay lalo akong ninerbiyos sa bawat oras na nag daan, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ng Alpha nila pero isa lang ang tiyak ko ngayon ang araw ng aking kamatayan, di ko man lang nakitang muli ang aking magulang maging si Jenna ay hindi ko na makikita pa.

Ramdam ko ang mga luhang nasa sulok ng aking mata, gusto kong pumalahaw ng iyak ngunit pinigil ko at baka mas lalong matinding parusa ang abutin ko.

Hindi nag tagal ay naka dinig ako ng yapak patungo sa kinaroroonan namin.

Nanginig ang buong katawan ko ng mag salita ang Beta ng Black Wolf pack.

''Alpha, nakita ang Rogue na ito ng isa sa mga pack warrior na dumadaan sa ating teritoryo kaya naman sinundan niya ito at nakitang umiinom ito sa may ilog sa loob ng ating teritoryo'' ngunit kasabay din non ay ang kakaibang amoy na hindi ko maihalintulad sa kung ano mang bagay. Sobrang bango nito at tila para akong nasa alapaap ng malanghap ko ang kakaibang amoy na iyon.

Nang makita kong may humintong pares ng itim na sapatos sa harap ko ay unti-unti kong ini angat ang aking paningin. Napansinghap ako ng makita ang napaka tangkad na lalaki sa aking harapan.

''Mate'' kusang pumasok sa isip ko ang salitang iyon.

Naka titig ako ngayon sa pinaka magandang nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko.

Kung gaano kaitim ang mata niya ay ganoon din ang buhok nito na tila kay lambot. Ang mga labi nito ay kay sarap hagkan dahil sa natural na pusyaw na pulang kulay nito. Hindi niya akalain na totoo ang love at first sight pero sa nadarama niya ngayon ay tila ng yayari na mismo ito sa kanya.
Ang kakaibang bilis ng kaniyang puso, ang mabangong amoy nito at ang atraksiyong nadarama ko, siya na nga ang matagal ko ng hinihintay... ang aking-

''Mate'' usal niya sa mahinang tinig, titig na titig siya sa kaniyang Mate, hindi niya akalain na ang naka tadhana sa kaniya ay ang Alpha ng Black Wolf Pack, isa sa pinaka malakas na pack sa buong mundo. Ang kaninang takot na nadama niya ng malamang kay Alpha Jacob ang teritoryo na napasok niya ay napalitan ng saya dahil ito pala ang mate na kaniyang matagal na hinihintay.

Hindi na siya guguluhin pa ni Zeus at matutulungan na niya ang kaniyang kaibigan.

Ngunit habang nag tatagal ay hindi man lang gumagawa ng paraan ang kaniyang Mate na lumapit sa kaniya.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now