🐺Chapter 11🐺

11.7K 341 13
                                    

not edited
✩✬✮✩✬✵

''Naka harap niyo si Lurecia?'' muling tanong ni Aphrodite, tila hindi ito makapaniwala ng mabanggit ang pangalan ng witch na iyon.

Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ni Jacob upang pag usapan ang mga nang yari sa pack ni Zeus.

Nasa silid din ang dating beta at gamma, pati na rin sina Bryan at Leonil na ngayon ay nag hilom na ang sugat maging ang kapatid ni Blue na si Clifford ay nandirito rin upang makinig. Naka upo sa kaniyang swivel chair si Jacob habang kami ay nasa sofa na naririto sa loob ng kaniyang opisina.

''Yes ma, kaya pala walang maka kita sa pinag kukutahan ng mga Rogue na iyon ay dahil sa tulong ng Lurecia na yon'' seryosong wika ni Jacob.

''Noong nabubuhay pa si dad, ang dating alpha Alex ay naikuwento niya sa akin ang mangkukulam na iyon, siya din ang witch na tumulong noon kay Xander ngunit di siya nag pakita. Malamang gaya ng na ikuwento niyo ay nag papalakas ito ng mga panahon na iyon sa pamamagitan ng pag paslang ng mga kagaya niyang mangkukulam.'' saad naman ni Blue.

Sino kaya ang Xander na yun? tanong ko sa aking sarili.

''Bakit niya sila tinutulungan? at talagang mga kaaway pa ninyo'' tanong ni Bryan habang naka tayo at naka sandal sa pader.

Tila sinagot naman ni Beta Bryan ang aking katanungan,ibig sabihin ay kaaway din ang Xander na tinutukoy nila.

''Ang kuwento ng ama ko ay naging kasintahan niya ito bago niya makilala ang kaniyang mate na ina ko, mabuti pa itong witch ng mga panahon na iyon. Mag kasama ito at ang kaniyang kapatid na tumutulong sa mga pack noon . Minahal naman daw niya ito ngunit talagang hindi sila ang inilaan para sa isa't-isa. Nang makilala niya si ina ay kinausap niya si Lurecia upang ipaliwanag dito na natagpuan na niya ang kaniyang Mate. But the witch did'nt accept my dad decision, nag wala ito at isinumpang tatanggalin niya ang tinatawag na mate's pull sa mga werewolf'' pag kukwento ni Aphrodite, kaya naman pala sinabi nitong muntik na siyang maging lola ni Jacob dahil naging kasintahan ito ng kaniyang lolo Alex.

Pumaslang ito ng ka uri niya upang mag karoon ng malakas na kapangyarihan at makapag higanti sa mga werewolf na siyang dati niyang naging kasintahan.

''Ahh...kaya pala, may pinag huhugutan naman pala yung bruha na iyon. Pero grabe ang epekto sa kaniya ng broken hearted, talagang pumatay siya ng sangkatutak na witch. Pero alam niya namang werewolf si Alpha Alex bakit umibig siya dito gayong may mate na nilaan para rito.'' sabat naman ni Bryan, tama nga naman ito dapat ay expected na ng witch na iyon ang mangyayari.

''Yan ang hindi ko tiyak, pero siguro ay talagang umibig lang siya at inakalang siya ang pipiliin ni ama'' kibit balikat na saad ni Aphrodite.

''Pero base sa kuwento niyo ay naka pasok kayo ng walang kahirap-hirap?''biglang tanong ni Clifford habang naka upo sa pang isahang sofa.

''Yup, para bang hindi nila naamoy ang scent namin.'' Bryan said.

''At hindi lang iyon ang nakakapagtaka, si Ria-'' napatingin ang lahat sa akin matapos banggitin ni Bryan ang pangalan ko.

''-hindi siya tinablan ng salamangka ng bruha na iyon, bagkus ay bumalik lang dito ang kaniyang salamangkang dapat na tatama kay Ria'' dugtong pa nito.

Isa rin iyon sa gumugulo sa aking isipan, kung paano nang yari ang bagay na iyon.

''Isa ka bang witch?'' tanong ni Aphrodite, napatingin ako sa kaniya saka umiling.

''I don't know,ever since po ay hindi ko naman naramdaman na isa akong mangkukulam'' totoong sagot ko dahil kung alam ko na isa pala akong witch ay di sana noon pa ako nakatakas sa Zeus na yon.

My Mate is A Rogue (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu