🐺Chapter 26🐺

7.7K 277 79
                                    

Mukhang walang naka pansin na may pag babago sa chapter 25 :)

Btw

Hi!!!

QueenSaff29wengsoriano21heartstone04NharleeAbrenica

Sa mga matiyagang nag babasa ng mga story ko comment lang yung hindi ko pa na memention, kahit sa ganyang paraan man lang eh maka bawi ako sa inyo...

❁❃❁❃❁❃
Ria's Pov

Hinayaan ko na lamang sila ng marahan nila akong hatakin palabas ng bahay.

Naka yukyok lamang ako habang nag lalakad, tahimik lang silang dalawa kaya naman ang pag tangis ko lang ang naririnig ng mga sanadaling iyon.

Alam kong tinitingnan nila ako pero wala akong lakas ng loob tingnan kung ano man ang reaksiyon nila. Awa man ito o kung ano pa man ay ayokong makita iyon, dahil baka mas lalo lang akong ma awa sa aking sarili.

Hanggang dito na lang ba talaga kami? paano na ang anak namin?

''Bitawan niyo siya!''

Napatigil sina Vince at Erick ng madinig ang tinig na 'yon. Pag tingin ko sa harapan ay naroroon si Melvin na nag pupuyos sa galit habang naka tingin sa dalawang nasa mag kabilang gilid ko.

''Ang sabi ko ay bitawan niyo siya!'' muling sumigaw si Melvin ng hindi kumilos ang dalawa.

Agad nila akong binitawan saka natatakot na napa atras ng mag lakad palapit sa amin si Melvin.

Nasa kaniyang likuran ang kaniyang Gamma na si Carlson na nag aalala ring naka titig sa akin.

''Bakit niyo hinahawakan ang Luna niyo na parang isang kriminal! alam ba ito ng alpha niyo ha!'' Melvin snarls.

Yumuko lamang ang dalawa, hindi ko silang nais na makitang ganito kahit pa hindi sila tumutol sa utos ni Jacob kanina ay wala akong galit na nararamdaman para sa kanila.

Humarap ako kay Melvin.

''Hindi naman nila ako sinaktan kaya hayaan mo na lang sila.'' pinilit kong ngumiti.

Nabaling ang atensiyon niya sa akin at ganon na lang ang kaniyang pag aalala ng makita ang na mumugto kong mata.

Nilingon ko pa sina Vince at Erick na nakokonsensiyang naka tingin sa akin. Tumango ako sa kanila, at tila naka hinga sila ng maluwag.

Wala na silang inaksayang oras pa at umalis na rin sila.

''Bumalik kayo rito! hindi pa tayo tapos!'' susunod pa sana sa kanila si Melvin ng hawakan ko ang kaniyang braso.

Ang kaninang galit niya ay napalitan ng pag aalala.

'' Ano bang ng yari Briana? sinaktan ka ba nila? nasaan na ba si Jacob bakit hinahayaan niyang ganito ang pag trato sa'yo ng mga miyembro niya.'' sunod-sunod na tanong niya.

I control the pain that wants to contort my face.

''Wala lang ito, ano nga pala ang ginagawa mo rito? ngayon ka lang napadalaw, hindi mo ata kasama si daddy.'' pilit akong ngumingiti kahit na sa totoo lang ay patuloy na umiiyak ang aking puso.

He narrowed his eyes at me. Matalino si Melvin, alam kong hindi ko siya madadaan sa pag iiba ng usapan.

''Pinapunta ako ni Jacob dito na ikinabigla ko pa dahil alam mo namang sagad sa buto ang galit niya sa akin. Ang sabi niya ay may pag uusapan daw kaming importante. At tungkol naman sa daddy mo ay sinabi ni Jacob na huwag ko siyang isama. Isa pa nasa malapit lang kami kaya hindi ko siya naisama.'' saad niya.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now