🐺Chapter 25🐺

7K 235 61
                                    

Sorry kung na ii-stress kayo sa gawa ko :(

●●●●●
Jacob's Pov

Habang paakyat papunta sa aking silid ay hindi mawala sa isip ko ang ginawa kong pag sampal sa babae na 'yon.

May kung ano sa puso ko na hindi ko maintindihin.

''Jacob.'' napa tingin ako kay Lucy.

''Bakit may luha ang mga mata mo?'' takang tanong ni Lucy.

Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong.

''May masakit ba sa'yo?'' pag iiba ko ng usapan.

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo pero agad ding nawala.

''Masakit ang buo kong katawan.'' saad niya saka muling sumandal sa aking dibdib.

Pag pasok sa aking silid ay bahagya akong nag taka. Tila iba ang ayos nito sa aking naaalala.

Ibinaba ko si Lucy sa aking kama.

''Kukuha lang ako ng damit.'' nag mamadali kong saad, saka pumasok sa aking walk-in closet.

Pag pasok ko ay isinara ko ang pinto at dinama ko ang sulok ng aking mata at basa nga ito.

''Napuwing ba ako?'' ipinag kibit balikat ko na lang iyon saka lumakad para kumuha ng aking damit na ipapagamit sa aking mate.

Nag taka ako ng maka kita ng mga pang babaeng damit.

''Kanino ang mga ito?'' tanong ko sa aking sarili.

Napapadalas na ang pag tatanong ko sa aking sarili. I sighed.

Si Mama na lang ang tatanungin ko mamaya at baka nag kamali lang ang kung sino mang nag lagay nito rito.

Nakaka pag taka na maayos pa na naka tiklop ang mga damit pang babae na ito sa aking closet.

Kumuha ako ng isang simpleng t-shirt at pantalon. Mag kakasya naman siguro ito kay Lucy.

Pag labas ko ay naka upo na sa gilid ng kama si Lucy habang naka tingin sa akin.

''Heto at mag palit ka na muna.'' aniya saka inabot iyon sa kaniyang mate.

''Kanino ang mga ito?'' bakas ang selos sa kaniyang tinig kaya naman naupo ako sa kaniyang tabi.

''Damit ng kapatid kong babae ang mga yan, naligaw lang siguro sa damitan ko.'' saad ko na lang kahit alam kong imposibleng mapunta ang mga 'yon dito.

''Sino yung babaeng sinabing siya raw ang mate mo?'' tanong niya.

Muling pumasok sa isip ko ang umiiyak niyang mukha, I shake the thought away.

''Isang Rogue, hindi ko alam kung bakit sinasabi niyang mate ko siya. At hindi ko rin alam kung bakit siya naririto.'' I said.

Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nag salita.

''Paalisin mo siya rito.'' saad niya habang hindi naka tingin sa akin.

''Ayokong makita pa ang babae na yon.'' dugtong pa niya.

Tila may kakaiba sa kaniyang tinig maging ang kaniyang ipinapakitang emosyon. Ngunit ng mapansin niyang hindi agad ako nakasagot ay humarap siya sa akin ng may mga luha sa kaniyang mata.

''Natatakot ako sa kaniya, parang narinig ko na ang boses niya ngunit di ko lang maalala kung kailan at saan.'' saad nito saka yumakap sa akin at umiyak.

Hinaplos ko ang kaniyang likuran upang pakalmahin siya.

''Huwag kang mag alala, paalisin ko siya rito.'' yun ang sinasabi ng aking isipan ngunit tila tumututol ang aking puso.

My Mate is A Rogue (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu