🐺Chapter 14🐺

11K 369 25
                                    


JonYeong hi bhe, kenat be reach ni author ang mahabang chapter kaya naman dadalasan niya na lang daw ang update..hekhek 😂

not edited beshie!
✮✯✮✯✮✯✮✯

Napabangon ako ng mag alarm ang orasan sa aking tabi, agad kong pinindot ang alarm clock upang manahimik na ito.

Antok na antok pa ako, halos di kasi ako naka tulog kakaisip sa nangyari sa amin ni Jacob.

''Tsk alas singko pa lang ng umaga, bakit ba ganitong oras nang bubulabog ka na ha! nanaginip pa ako na matutuloy na ang na udlot naming halikan ehh'' pag sisi ko sa walang muwang na alarm clock.

Napakamot ako sa aking ulo ng maalalang sinabi nga pala ni Jacob kagabi na kailangan ay bago mag alas sais ay tapos ko ng lahat ang mga kailangan kong gawin dahil umpisa na ng pag sasanay namin ngayong araw.

''Oo nga pala, ngayon pala ang araw ng pag sasanay namin'' tila nagising ang diwa ko ng maalala ang sinabi niyang iyon. Kumuha ako ng may kalakihang puting t-shirt at cycling shorts.

Agad akong nag tungo sa banyo at ginawa na ang aking morning routines, makalipas ang bente minutos ay naka ayos na ako kaya naman lumabas na ako ng aking silid.

Pag baba ko sa kusina ay gising na sina Ellenor at ang iba pang kababaihan na abala sa pag gawa ng almusal para sa lahat.

''Magandang umaga Luna'' sabay-sabay nilang saad.

''Good morning din'' saad ko saka naupo sa upuan na naroroon.

''Ano ang gusto mong kainin Luna?'' tanong sa akin ni Ellenor habang hinahalo ang kaniyang nilulutong sinangag.

''Siguro mag titinapay na lang muna ako at napa dami ang kain ko kagabi'' sagot ko.

''Ako na ang gagawa ng sandwich mo Luna'' saad ni Amy, tumigil siya sa pag hihiwa ng mga gulay at agad na nag tungo sa ref upang ilabas ang mga sangkap na gagamitin niya saka niya ito ipinatong sa lamesa.

Tumayo ako at nilapitan siya.

''Naku kaya ko na yan Amy, ako na dyan'' kinukuha ko sa kaniya ang tinapay at mga palaman na gagamitin niya para sa sandwich ngunit inilayo niya lang ito.

''Ako na Luna, karangalan ko ang pag silbihan ka'' naka ngiti niyang saad.

''Hayaan mo na siya Luna at masarap gumawa ng sandwich yan'' wika naman ni Linda na nag piprito ng itlog at bacon.

''Ganoon ba, sige ikaw na ang bahala'' naka ngiti kong usal kay Amy na abala na ngayon sa pag lalagay ng kung ano-anong palaman sa aking sandwich.

''Ito na Luna'' iniabot sa akin ni Amy ang may kakapalan na sandwich kasama ang isang baso ng orange juice.

''Salamat Amy'' ngumiti lang ito at tila hinihintay ang magiging reaksiyon ko sa ginawa niyang sandwich.

Pag kagat ko sa sandwich ay manghang napa tingin ako kay Amy.

''Totoo nga, ang sarap mong gumawa ng sandwich'' kumagat pa akong muli dahil talagang ang sarap ng pag kakagawa niya sa sandwich, tila naka hinga ito ng maluwag ng magustuhan ko ang gawa niya.

''Masaya ako at nagustuhan mo Luna'' masaya niyang saad, muli niyang binalikan ang kaniyang ginagawa habang ako ay tahimik na kinain ang aking almusal.

''Mabuti at maaga kang nagising'' agad kong nalanghap ang nakaka halinang amoy ng aking mate, pag lingon ko ay naka tayo siya malapit sa may pinto habang naka tingin sa akin. Halatang bagong paligo ito dahil basa pa ang kaniyang buhok, muli na naman akong natulala sa kagwapuhan ng aking mate.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now