🐺Chapter 12🐺

11.2K 355 15
                                    

✬janegrace2 ✬user30537153 ✬greenscarf1316 ✬CatherinSabanLaure ✬JennilynQuia ✬Blackbaybeee

not edited...
✾ ✾ ✾ ✾ ✾
''Huwag ka pong mag alala, ayos lang naman siya. Nagising kasi sya kani-kanina lang kaya naman hinahanap ka niya'' paliwanag nito, naka hinga naman ako ng maluwag ng malamang ayos lang siya.

''Ganon ba, sige pwede mo ba akong samahan papunta sa kaniya?''

Tumango naman ito at nauna ng mag lakad, kaya naman sinundan ko na lang siya hanggang sa maka rating kami sa clinic ng pack.

''Nandito na po tayo'' magalang na naman niyang saad, di ko na lang pinuna pa ang pagiging magalang niya sa akin dahil panigurado ikakatwiran lang niya  na ako ang magiging Luna nila.

''Salamat Ellen'' saad ko na lamang, yumukod pa ito ng bahagya saka nag lakad palayo.

Dahan-dahan kong pinihit ang hawakan ng pinto.

Pag ka pasok ko ay agad na bumungad sa akin ang amoy ng mga pinag halong gamot at dugo, inilibot ko ang aking paningin sa  puting-puti na silid.

May mangilan-ngilan na pack warriors ang nag papahinga at nag papagaling sa mga sugat na tinamo nila.

Nang makita nila ako ay tatayo pa sana ang mga ito upang mag bigay galang ngunit pinigilan ko sila.

''Hindi na kailangan, mag pahinga na lang muna kayo'' naka ngiti kong saad sa kanila.

''Salamat po Luna'' sabay-sabay na wika ng mga ito na talaga namang nag pataba sa aking puso.

''Luna'' napukaw ang atensiyon ko sa lalaking naka suot ng puting damit.

''Ikaw siguro ang doctor dito?'' tanong ko sa kaniya, ngumiti ito at kita ang magagandang pantay na mga ngipin nito.

''Tama po kayo, ako nga pala si Gabriel'' pag papakilala nito.

''Ria'' saka ko inabot ang kaniyang kamay na nakalahad.

''Sige Luna, kailangan ko pang tingnan ang isang pack warrior na malalim ang tinamong sugat'' saad nito.

''Sige lang at pupuntahan ko rin ang kaibigan ko'' ngumiti pa ito saka pinuntahan ang isang pack warrior.

Nakita kong na sa pinaka dulong kama ang puwesto ni Jenna kasama ang kaniyang mate na si Leonil, kaya naman lumapit na ako rito.

Hindi nila napansin na nasa gilid na lang nila ako, patuloy pa rin sila sa pag uusap habang naka ngiti. Tila sila lang ang tanging tao sa silid na ito dahil hindi nila alintana ang nang yayari sa kanilang paligid.

Kita sa mga mata nila ang saya at pag mamahal sa isa't-isa. Mag ka hawak pa ang kanilang mga kamay habang masayang nag uusap. Kahit na alam kong dinaramdam pa rin ni Jenna ang sakit sa mga sugat at latay na tinamo niya ay nakaka ngiti pa rin siya dahil meron siyang mate na nasa kaniyang tabi na nag papagaan ng lahat para sa kaniya.

''Kami kaya ni Jacob, kailan magiging katulad nila?'' tanong ko sa aking sarili, napa buntong hininga ako at hindi sinasadyang napalakas pala ito kaya naman napalingon ang dalawa sa akin.

''Ria.'' masayang bati ni Jenna sa akin, napakamot tuloy ako sa aking noo dahil nagambala ko ang kanilang pag uusap. Lumapit ako dito at niyakap siya, hindi ko na hinigpitan pa at baka masaktan lang siya dahil may mga sugat pa siyang hindi pa nag hihilom.

''Luna'' saad ni Leonil kaya naman kumalas na ako sa pag yakap namin ni Jenna at ngumiti ng alanganin kay Leonil.

''Pasensiya na at naistorbo ko kayo'' hinging paumanhin ko.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now