🐺Epilogue🐺

10.7K 347 75
                                    

Salamat sa lahat ng nag basa, nag comments at nag votes nitong MMIAR :)

At siyempre kay Ylcero na nag push sa akin para isulat ang story na 'to...

Hi karshaine... thank you sa comments :)

➢➣➢➣➢➣

Yumukod ako upang ipatong ang bulaklak sa kaniyang lapida.

Hindi man kami nag ka sama ng matagal ay mahal na mahal ko siya.

Kada buwan ay bumibisita ako dito upang dalawin ang kaniyang puntod.

''Miss na miss na kita.'' malungkot kong saad, kahit matagal na siyang patay ay nangungulila pa rin ako sa kaniya.

Sa mga yakap niya, halik niya at mga panahong masaya kaming mag kasama.

Umihip ang hangin at tila ipinaramdam non na naririto lang siya sa aking tabi.

Ngumiti ako, alam kong balang araw ay mag kikita rin tayong muli.

''Mommy.''

Napatingin ako sa aking anak na hinahatak ang suot kong dress.

''Yes baby?'' naka ngiti kong tanong kay Nygel, ang anim na taong gulang kong panganay.

''Na mi-miss ko na si Papa.'' saad niya, may mumunting luha na pumatak sa kaniyang matambok na pisngi kaya naman pinunasan ko iyon gamit ang aking kamay.

''Tiyak kong miss ka rin niya ng sobra baby.'' naka ngiti kong saad.

''Nasaan na ang mga kakambal mo? kailangan na nilang mag paalam kay papa.'' saad ko saka luminga sa paligid.

Pag tingin ko sa isang malaking puno ay naroroon sila at nag lalaro sa ilalim non.

''Lygel, Cygel, hali kayo dito. Mag paalam na kayo kay papa at uuwi na tayo.''

Agad silang tumakbo patungo sa aking direksiyon.

Si Lygel ang isa ko pang anak na lalaki at si Cygel naman ang aking bunsong anak na babae.

Tag lilimang minuto ang pagitan nila sa isa't-isa.

Pag lapit nila ay naka ngiti silang naka harap sa puntod.

''Ba-bye papa! dadalaw kami ulit sa'yo.'' saad ni Lygel habang kumakaway pa sa puntod.

''Papa love you, ingat ka d'yan.'' saad naman ni Cygel saka nag flying kiss.

Napa ngiti ako sa kanila.

Pag lingon ko ay may pumaradang sasakyan sa may likuran namin.

Namewang akong humarap sa kaniya.

''At saan ka naman ng galing aber?'' naka taas kilay kong tanong sa lalaking kababa lang ng sasakyan.

Napakamot ito sa kaniyang batok at ngumiti ng alanganin sa akin.

Sinenyasan niyang umalis na ang mga pack warriors na naroon upang bantayan kami ng mga bata.

''Mahal, sorry na.'' pinapungay pa nito ang kaniyang mata.

''Naku lagot na naman si Daddy.'' bulong ni Nygel.

''Sa sala na naman siya patutulugin ni Mommy, sigurado ako diyan.'' sagot naman ni Lygel.

''Kawawa naman ang daddy ko.'' saad ni Cygel.

Sa tatlong mag kakapatid ay si Cygel ang pinaka malapit sa kaniyang daddy.

''Jacob!'' naiinip kong saad.

''Kasi mahal hinamon pa ako ni Melvin na makipag bunong braso sa kaniya eh, kaya ayun na late ako.'' paliwanag niya pero hindi ako naniniwala.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now