🐺Chapter 10🐺

11.8K 388 20
                                    

----
Habang nag lalakbay kami pabalik sa Black Wolf pack ay hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi.

Sobra...

Napa kagat pa ako sa aking labi upang mapigilan ang tiling nais kumawala dala ng sobrang kasiyahan ko.

Sobra...

Tinakpan ko pa ang aking mukha gamit ang aking palad dahil tiyak ng napaka pula na ng aking mukha, parang sirang plaka na umuulit sa isip ko ang sinagot na iyon ng aking mate.

Pinilig ko ang aking ulo.

''Ria umayos ka, sobra lang ang sinabi niya'' saway ko sa aking sarili.

Paano na lang ang magiging reaksiyon ko kung yung tatlong salita na ang narinig ko?

''Ahhhhh!!!!'' di ko napigilan at napa sigaw na lang ako sa kaisipang sabihin iyon ng aking mate.

Napahinto si Jacob sa pag takbo at nilingon ako.

''Ay! naku p-pasensya na muntik na kasi akong mahulog kaya napa sigaw ako'' palusot ko, at dahil nasa wolf form ito ay wala naman itong sinabi at umiling na lamang saka nag pa tuloy sa pag takbo.

Nakaka hiya, baka akalain ni Jacob nababaliw na ako.

Nang makarating na kami sa Balck wolf pack ay bumaba na rin ako sa likod ni Jacob. Agad na sumalubong sa amin ang magulang niya.

''Ayos ka lang ba Ria? hindi ka ba nasaktan?'' nag aalalang tanong sa akin ni Aphrodite.

''Maayos lang po ako'' magalang na sagot ko habang naka ngiti sa kaniya, tila naka hinga naman ito ng maluwag at agad na bumaling sa kaniyang anak na ngayon ay naka anyong tao ng muli at naka suot na ng matinong short.

''Anak ikaw ayos ka lang ba?'' tanong naman nito kay Jacob, tumango lamang ito saka tumingin sa akin.

Agad kong binawi ang aking tingin, ngunit kahit na sa ibang direksiyon na ako naka tingin ay ramdam ko pa rin ang kaniyang mga titig.

Napa hawak ako sa tapat ng aking dibdib.

''Puso, please kumalma ka lang?'' pag kausap ko sa aking sarili, sa sobrang lakas ng tibok nito ay tiyak na dinig niya kung paano ito tumitibok para sa kaniya.

mabuti na lamang at lumapit din sa amin ang kaniyang ama at ang dating beta at kinamusta kami kaya naman dito ko na lang binaling ang aking atensiyon.

Ang mga sugatang miyembro ng Black Wolf ay agad na dinala sa clinic, maging si Jenna na hindi iniiwan ng kaniyang mate.

''Ate Ria!!!'' napabaling ako sa tumatakbong si Chloe.

Nang makalapit ito sa akin ay agad ako nitong inakap, na ginantihan ko naman ng mahigpit ding pag yakap.

''Masaya ako at naka balik kayo ng ligtas'' saad niya matapos naming mag hiwalay, ngumiti lang ako saka ko napansin na tila malikot ang mata nito na tila ba may hinahanap ito.

''May hinahanap ka ba?'' tanong ko dito habang ngiting-ngiti.

hmmm... tingin ko alam ko na kung sino.

Namula naman ito sa tanong ko.

''W-wala ahh s-sino naman ang h-hanapin ko?'' nauutal nitong wika, at talagang mag papalusot pa ang dalaga.

Kaya naman naka isip agad ako ng paraan para mapa amin si Chloe.

''Naku! si Beta Bryan nga pala, ayos na kaya siya'' malungkot kong saad, agad nabakas ang pag aalala sa mukha ni Chloe. BINGO! di kaya mate ang dalawang ito?

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now