🐺Chapter 13🐺

11.1K 353 19
                                    

Matapos ang eksena namin ni Jacob sa may hardin ay agad akong pumasok sa aking silid.

Patalon pa akong nahiga sa kama habang hawak ang rosas na ibinigay sa akin ni Jacob.

''Hmmm, napaka bango'' kinikilig kong saad habang inaamoy ang napaka gandang rosas.

''Ito na kaya ang simula ng pag kakamabutihan namin?'' tanong ko sa aking sarili.

''Mabuti pa ay maka pag palit na nga muna'' bumangon ako at dahan-dahang inilapag ang rosas sa maliit na lamesa.

''D'yan ka muna at maliligo lang ako'' mukha na akong tanga dahil kahit rosas na walang kamalay-malay ay kinakausap ko na.

Nilapitan ko ang aparador at binuksan ito, tama nga si Ellenor nandito na nga ang mga damit na ipina bibigay sa akin ni Aphrodite.

Pinili ko ang isang simpleng puting damit at kulay asul na pantalon, kumuha na rin ako ng bagong pares ng underwear saka naligo habang may pag kanta pang nagaganap.

''Ang bango-bango, ang bango-bango, ang bango-bango ng bulaklak, hmmm, hmmm''

tok...tok...

''Ay bulaklak!'' nagulat ako ng bigla na lang may kumatok, nabitawan ko tuloy yung sabon.

''Ate Ria, bumaba ka na raw at kakain na!'' sigaw ni Chloe.

''Sige matatapos na rin ako, susunod na lang ako.'' sigaw ko.

''Okie'' sagot naman ni Chloe.

Madali ko ng tinapos ang pag ligo at excited na kong maka harap muli si Jacob.

Matapos mag bihis at mag pa tuyo bahagya ng buhok ay lumabas na ko, ngunit bago tuluyang lumabas ay sinulyapan kong muli ang rosas na nasa mesa.

''Kain na muna ako ha'' paalam ko rito, pag ka labas ay na pailing na lang ako.

''Malala na ako'' bulong ko sa aking sarili.

''Wat's up Ria, patilya!'' muntik pa akong matumba ng tabigin ni Bryan ang balikat ko.

''Aray naman, maka tabig naman to. Atsaka anong patilya yang pinag sasabi mo?'' binigyan ko siya ng matalim na tingin habang hinihimas ang nasaktan kong balikat.

''Sorry naman, ahmm wala lang katunog kasi ng pangalan mo ehh'' kibit balikat nitong saad saka niya nilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya.

''Di ko gets'' saad ko saka nag patuloy sa pag lalakad.

''Ok lang, di ko rin naman gets'' saad niya, napailing na lang ako sa ka kengkoyan ng Beta ng pack na ito.

Habang papalapit sa dining area ay dinig na dinig ang malakas na boses ni Chloe habang nag kukwento.

''Kuya alam mo ba, mukhang ang saya-saya ni Ate Ria'' yun agad ang bumungad sa akin pag pasok sa dining area. Kaya naman ramdam ko ang pamumula ng aking mukha, lahat ng pares ng mata ay sa akin na ngayon naka tingin.

''Bakit naman?'' tanong ni Jacob habang naka titig sa akin.

''Kasi-'' pinutol ko na ang sasabihan ni Chloe ng lumapit ako sa kanya at takpan ang bibig niya.

''Ah he-he wala lang iyon, diba Chloe?'' pinan lakihan ko pa siya ng mata para naman ma gets niya na ayaw kong ituloy niya ang sasabihin niya.

''Ang alin ba? yung pagkanta mo ng- ang bange-bange, ang bange-bange ng buleklek'' lalong ng laki ang mga mata ko ng kantahin ni Bryan ang kinakanta ko kanina.

''T-teka, p-paano? mo n-nalaman yun?'' tanong ko, nilingon ko ang ibang nasa loob ng silid kita ko ang pinipigil nilang mga tawa.

''We heard it'' halos mabali ang leeg ko sa bilis ng pag kakalingon ko kay Jacob na ngayon ay abala na sa pagkain.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now