🐺Chapter 23🐺

6.8K 224 39
                                    

Hi MarlyChan ^_^
Hi AiramAserethTabanao
Hi Rachellesumatra
Hi KeisshaLouiseCanios

Dahil nag beast mode ang ilan sa inyo, heto at dagdagan ko ang gigil niyo haha.

❀ ❀ ❀ ❀ ❀

Jacob's Pov

Pag harap ko ay nag tatakang naka tingin sa aking mate sina Leonil at  Bryan.

''Sino siya?'' takang tanong ni Leonil.

Muli kong tinitigan ang magandang mukha ng aking mate.

''She's my mate.'' saad ko na ikinagulat ng dalawa.

''Imposible.'' naiiling na saad ni Leonil.

Hindi ko na sila pinansin pa dahil kailangang matingnan ng pack doctor ang mga sugat ng aking mate.

Agad kumulo ang aking dugo, pag babayarin ko ang kung sino mang nanakit sa aking mate.

Tumakbo ako papuntang clinic at pag bukas non ay pag tataka ang mababakas sa mukha ni Gabriel.

Marahan kong inilapag ang aking mate.

''Lapatan mo agad ng lunas ang kaniyang sugat.'' utos ko kay Gabriel na bahagyang napa pitlag pa ng madinig ang aking boses.

''Yes alpha.'' sagot niya saka inasikaso ang aking mate.

Habang ginagamot niya ang sugat ng aking mate ay kumuha ako ng upuan at inilagay iyon sa tabi ng hinihigaan ng aking mate.

Masuyo ko siyang tinitigan at kinakabisa ang bawat parte ng maamo niyang mukha.

Mula sa matangos niyang ilong, mahahabang pilik mata at ang kaniyang natural na mapupulang labi na kay sarap hagkan. Kahit na may mga sugat ay makikitang makinis ang kaniyang maputing balat.

Napatingin ako sa kaniyang leeg at napansing may kwintas siya at ang pendant nito ay naka tago sa loob ng kaniyang damit.

Hahawakan ko sana ang kaniyang kwintas ng magsalita si Gabriel.

''T-tila ginamitan siya ng latigo, alpha. Ngunit hindi malalim ang mga tinamo niyang sugat.'' nag aalangang saad ni Gabriel.

Humigpit ang pag kaka kuyom ng kaniyang kamao na naka patong sa higaan ng kaniyang mate.

''Hindi ko mapapa tawad ang may gawa nito sa kaniya.'' Ramdam niya ang pag baon ng mga kuko sa kaniyang palad ngunit hindi niya ito ininda.

''M-mawalang galang na Alpha, pero sino siya?'' takang tanong ni Gabriel.

''Siya ang mate ko.'' sagot ko, napansin ko ang pag ka bigla ni Gabriel ng sagutin ko siya.

''P-paanong?'' tiningnan ko siya ng masama ng muli ay mag tatanong na naman siya.

''Gamutin mo na siya!'' I used my alpha voice.

Hindi na kumibo pang muli si Gabriel at pinag patuloy na lang ang pang gagamot sa aking mate.

Matapos malapatan ng gamot ang mga sugat ng aking mate ay iniwan na kami ni Gabriel.

Alam kong nais niyang mag tanong pero pinili na lang na manahimik.

''Pati ba naman siya naniniwalang yung Rogue na 'yon ang mate ko?'' saad ko sa aking isip.

Hindi ko na muna iisipin ang babae na iyon.

Hinawakan ko ang kamay ng aking mate saka ito hinalikan.

''Nais ko ng makita ang iyong mga mata.'' naka ngiti kong saad.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now