🐺Chapter 5🐺

12.1K 380 19
                                    


Dedicated sa mga nabitin sa chapter 4 hehe... enjoy
______

''Napaka laking bahay naman niyan'' manghang bulalas ko, mansiyon na nga kung tutuusin dahil sa laki at ganda nito.

''D'yan din po kasi nakatira ang dating alpha at Luna pati na ang pamilya ng Beta. Napag desisyunan kasi nila na mag sama sa isang bahay dahil pamilya na ang turing nila sa isa't-isa''

''Ganoon ba.'' saad ko, Ellenor nodded her head

Ibig sabihin ay nandito ang pamilya ni Jacob gaya din kaya sila ni Jacob?

''Bakit ka ba diring-diri sa akin na para bang may bird flu ako!''

''Tandaan mo werewolf tayo! hindi mulawin!'' napahinto kami ni Ellenor sa pag lalakad, pag pasok pa lang sa pinto ay matinis na boses na ng babae ang nadinig namin.

Isang may kaliitan na babae ang naka talikod at may mahabang itim na buhok ang naka pamewang habang nakatingin sa itaas ng mahabang hagdan ang agad kong nakita, siya siguro yung sumisigaw.

''Tumigil ka nga sa ka OA-han mo bubwit'' sabi ni Beta Bryan na ng galing sa kung saan.

''Shut up ka na lang pwede?'' mataray na saad nito, sasagot pa sana si Bryan ng mapalingon sa gawi ko.

Agad itong ngumiti at lumapit sa akin.

''Mabuti naman at mukhang napapayag mo si Alpha Jacob'' saad nito.

''Nakumbinsi ko siya dahil sabi ko ituturo ko ang kinaroroonan ng mga rogue as long na hindi niya sasaktan ang kaibigan ko at ang mga nabihag'' akmang mag sasalita pa sana ito ng bigla itong sumalampak sa sahig.

Ng laki ang mata ko ng bigla na lang may tumulak dito kaya naman na pa upo ito at naumpog ang kaniyang ulo sa lamesa na nasa sala.

''Sh*t!'' he cursed, napa hawak pa ito sa kaniyang ulo agad itong tumingin ng masama sa taong nasa aking harapan.

Sinundan ko pa ang kaniyang tingin at nagulat ako ng halos ga hibla na lang ng buhok ang agwat namin ng babaeng kanina ay sumisigaw.

Napa kurap-kurap pa ako at dahan dahang umatras, titig na titig pa din ito sa akin na tila isa akong maligno, mukhang nasa dose pa lang ang edad nito.

''Who you?'' tanong nito na parang nag text lang sa cellphone naka arko pa ang magaganda nitong kilay.

''Ahhmm Ria?'' pa tanong na sagot ko dito kaya naman lalong umangat ang kilay nito.

Ngayong malapitan ay kitang-kita na napaka kinis ng balat ng maliit na babae na ito, mukha itong manika gawa na rin ng bilugang mata nito at ang maliliit na mapupulang labi. Ang mata nito ay itim na itim gaya ng kay jacob.

Teka nga...

''Kapatid ka ni Jacob?'' di ko napigilang itanong.

''At bakit Jacob lang ang tawag mo sa kuya ko?'' mataray na saad nito.

''Mate siya ni Jacob, little devil'' saad ng naka recover na Beta pareho kaming napa lingon kay Bryan na ngayon ay naka tayo na habang hinihimas ang tumamang ulo. Masamang tingin ang pinukol pa nito sa mataray na manikang buhay.

Mula sa pag kakatingin kay Bryan ay binalik nito ang tingin sa akin ngunit sa pag kakataong ito ay naka ngiti na ito ng abot anit.

''OMG! ikaw talaga ang mate ni kuya?! kaloka! akala ko forever ng mag isa si kuya dahil sa sama ng ugali niya!'' nag tatalon pa nitong saad habang naka hawak sa aking kamay.

Hindi ko alam kung ma ngingiti ba ako o mangingiwi dahil kanina lang ay parang lulunukin niya ako ng buhay.

''Sa wakas may mag papatino din sa busangot na iyon!!!'' nag titili pa nitong saad.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now