🐺 Chapter 2 🐺

12.5K 375 0
                                    


Ria's Pov

Nakamasid lamang ako mula sa aking bintana ng madinig ko na may kumakatok sa pinto.

''Tuloy.'' hindi ko inalis ang tingin ko sa malawak na kagubatan. Nadinig ko ang pag bukas at ang pag sara ng pinto, kasabay non ay nalanghap ko ang mabangong aroma ng pagkain.

''Ria, alam kong hindi mo gusto ang mga ng yayari pero kailangan mong kumain'' malumanay na saad ni Jenna ang tanging kaibigan ko sa mala impyernong lugar na ito.

Tumingin ako sa kaniya at hindi ko naiwasang hindi maiyak.

Agad niyang ibinaba ang tray na nag lalaman ng ibat-ibang pag kain at agad akong niyakap.

''Hindi ko gustong makita kang nag kaka ganito, pero wala tayong laban kay Zeus. Malakas siya at maka pangyarihan hawak niya sa leeg ang napaka raming katulad natin- ang mga Rogue '' lalo akong napaiyak ng madinig kong sabihin niya iyon, hindi ko akalain na ang pinaka kinamumuhian kong nilalang ang siyang ikakasal sa akin.

Apat na taon lang ako ng dukutin ako ng grupo ni Zeus mula sa aking pack. At dahil sa bata kong edad tanging pangalan ko lang at aking kaarawan ang aking natatandaan, maging ang pangalan ng pack at magulang ko ay hindi ko na maalala tanging mommy at daddy lang ang alam kong tawag ko sa kanila ngunit ang ngalan nila ay di ko na matandaan.

Nag uumpisa pa lang noon si Zeus na kumalap ng magiging kasapi niya, dumudukot din siya ng ibang mga bata sa ibat-ibang pack gaya ng nangyari sa akin at kay Jenna.

Nang mapadpad ako dito ay takot ang nadama ko, naalala ko pa na kailangan pa akong sampalin ni Zeus para lamang manahimik ako sa kakaiyak at kaka tawag sa aking mga magulang.

Naging alipin kami dito, taga luto, taga linis, taga laba ng mababaho nilang damit at kahit anong naisin nila ay dapat sundin namin.

Mabuti na lamang ay may matandang babae ang nag turo sa amin kung paano ang mag basa at sumulat. Nabihag din si Nanay Melinda nina Zeus, at dahil mga bata pa lang kami ng mapadpad kami dito ay palihim niya kaming tinuturuan sa gabi hanggang nung nakaraang taon ay pumanaw ito dahil na rin sa tindi ng pangungulila niya sa kaniyang pamilya.

Pero nag bago ang pakikitungo sa akin ni Zeus ng nag dadalaga na ako.

Hindi sa pag mamalaki ay may angkin akong kagandahan, natural na makinis ang aking balat madami sa mga lalaking Rogue rito ang ninanais ako pero lahat sila ay iniiwasan ko dahil alam kong may Mate ako na nag hihintay at nakalaan para sa akin. At siya rin ang aking pag asa upang maka alis sa miserableng lugar na ito.

Ngunit nag bago ang lahat.

Mula ng mag dalaga ako ay naging mabuti sa akin si Zeus, hindi na rin niya ako pinapatulong sa mga gawain sa kaniyang tinatawag na pack. Paminsan minsan ay hinawakan niya ako sa aking kamay na agad ko namang iniiwas. Madalas na rin niya akong bigyan ng mga regalo, ayaw ko man sanang tanggapin ay natatakot naman ako sa kaya niyang gawin sa oras na magalit siya. Napansin ko rin na natigil ang pag papahaging ng ilang kalalakihan na ikinatuwa ko, akala ko ay nanawa na silang suyuin ako yun pala ay binalaan lang sila ni Zeus.

Nang sumapit ang 18th birthday ko ay kinagulat ko ang ginawang pag hahanda ni Zeus sa aking kaarawan. Nung araw na ring iyon ay inanunsiyo niya ang nalalapit naming kasal. Tatanggi sana ako ngunit bigla niya akong hinatak sa braso saka bumulong..

''Wag kang gagawa ng kung ano mang ika gagalit ko Ria, dahil papatayin ko ang pinaka mamahal mong kaibigan''

Nang banggitin niya iyon ay nanahimik na lamang ako at umiyak, naramdaman ko pa ang ginawa niyang pag halik sa aking pisngi. Nandidiri man ay wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng tahimik, si Jenna na lamang ang tanging pamilyang itinuturing ko hindi ko kakayanin na mapahamak siya ng dahil sa akin.

My Mate is A Rogue (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora